Fun Rhyme Message to all NANAY, lalo na sa ating mga buhay pang mga INAY: [On MOTHER’S  DAY]

 

 

Filpina-Mother1

[This  FUN  RHYME  was  written  by  me  during  the  time  of  the  subsequent LOCKDOWN brought by the PANDEMIC. There was PARANOIA  among all of us. With those LOCKDOWN restrictions, I did not have the chance to get hold of my personal computer which is located in my Law Office; while my laptop was borrowed by my law partner who has gone on indefinite leave (as he got elected as COUNCILOR in a town in CAGAYAN) prior to the LOCKDOWN.  Thus, this belated PUBLICATION.]

 

“INAY KO PO” , yaan ang karaniwang ating BINIBIGKAS…

Lalo na ang mga mumunting anak  kung sa sakuna’y UMIIGKAS;

Mga NANAY din ang nagtuturo nang pagsaing ng BIGAS- –

Pati nga ang pagpapaandar ng mga sinaunang kalang de GAS!

filipina-mother3-bigas

GASGAS na nga halos ang ating mga TENGA…

Sa mga payo at pangaral, kapag tayo’y nahahantong sa DISGRASYA;

Napakabait ni NANAY, nung tayo’y musmos halos nais kunin sa pagitan ng ipin ang TINGA- –

Ni ayaw tayong madapuan ng lamok, pati ng langaw; tunay po na sila’y KAKAIBA!

filipina-mother-ayaw-padapo

Malupit nga naman sila PAMINSAN-MINSAN…

Subalit ang aruga at pagmamahal, palagi pong NAANDYAN;

Noong tayo’y mga sanggol, tayo’y palagiang DINUDUYAN- –

Tunay na sila, sa mga tahanan ang syang tampok na LUNDUYAN!

 

filipina-mother2-duyan

 

Bagamat nabansagang ang mga AMA ang siya nating HALIGI…

Ang mga NANAY po naman natin ang siyang ating ILAW na PALAGI;

Buti pa nga ang MERALCO ay mayroon pong “BROWN OUT”- –

Ang mga INAY po’y walang break-time, ‘di nga pwedeng mag- “TIME-OUT”!

ama-haligi-nanay-ilaw

 

Kaya atin pong mahalin ang ating mga mapag-arugang INA…

Na kasama pa rin natin sa ngayon, o kahit tayo’y ulila NA;

Umusal tayo tuwina ng marubdob at maikling DASAL- –

Para sa ating mga NANAY na napakasarap pong MAGMAHAL!

 

filipina-mother-seeling-fruits

Leave a Reply