[KINATHA KO PO ANG ODANG ITO BILANG PAGSASALIN NG BUOD NG BIOGRAPIKONG-AKLAT NA NAISULAT SA WIKANG INGLES AT PINAMAGATANG: FOREVER YOUNG: A WALK THROUGH THE LIFE OF MAXIMO PURISIMA YOUNG,NA AKING DING INAKDA. ITONG SERYE PO NG ODA PONG ITO AY BILANG PASASALAMAT SA PAGKAKAHALAL NG AMING ITAY BILANG PANGULO NG PHILIPPINE EXPEDITIONARY FORCE TO KOREA VETERANS’ ASSOCIATION, INC. (“PVAI”), ISANG SAMAHAN NG MGA BETERANONG LUMAHOK AT LUMABAN PARA SA IKATATAGUMPAY NG DEMOKRASYA NOONG PUMUTOK ANG KOREAN WAR NOONG IKA-25 NG HUNYO 1950. ITO PO AY ISANG MALAKING PASASALAMAT DAHIL BILANG NAKAMULATANG TRADISYON SA PVAI, ANG PAG-KA-PANGULO PO NG PVAI AY TAGURING INIRERESERBA LAMANG SA MGA OPISYAL NG MILITAR NA LUMAHOK SA KOREAN WAR NA NAG-TAPOS SA PHILIPPINE MILITARY ACADEMY. GINAWARAN SI ITAY NG SILVER STAR MEDAL NG PAMAHALAAN NG ESTADOS UNIDOS BILANG PAGKILALA SA KANYANG KABAYANIHAN NOON PANGALAWANG DIGMAANG PANG-DAIGDIG. GINAWARAN DIN SIYA NG GOLD CROSS MEDAL NG ATING BANSA KAUGNAY SA KANYANG PAGKAKALAHOK SA KOREAN WAR LALONG-LALO NA SA KANYANG KABAYANIHANG IPINAKITA SA BATTLE OF MIUDONG. NOONG IKA-27 NG HULYO 2016, IGINAWAD SA KAY ITAY NG PRIME MINISTER NG TIMOG-KOREA ANG KATAASTAASANG ORDEN NG TAEGEUK (KAWANGKI NG ATING ORDEN NG SIKATUNA) NG BANSANG TIMOG-KOREA BILANG PAGKILALA SA KANYANG KABAYANIHAN SA BATTLE OF MIUDONG AT BATTLE OF YULDONG NOONG KOREAN WAR.]
Sa BATTLE OF YULDONG mas lalong NAKILALA,
Ang mga PINOY na sundalo na naging BIDANG-BIDA;
Napabigkas tuloy si GENERAL MACARTHUR,
“FILIPINO soldiers are the best, now and HERETOFORE”!
Sa BATTLE OF YULDONG maraming NAPAMANGHA,
Isang libong sundalong, mga PINOY gumawa ng HIMALA;
Apat-na-pung libong kalaban ang sa kanila’y LUMUSOB…
Mga kalabang ito’y nasupil at SUMUBSOB!
Tinawag ng TSINA bilang kanilang “SPRING OFFENSIVE”,
Isip nila marahil ang PINOY ay maduduwag… “would you BELIEVE?”;
Katabi nila’y ang mga “Puerto Rican SOLDIERS”,
Sa kabilang tabi naman ay ang “Turkish Armed FORCES”!
Nang lumitaw na sa abot-tanaw ang 40,000 TSINO…
Ang mga Puerto Rican at Turko halos nag tumba-HILO;
Nadarag marahil sa dami ng KALABAN,
Kamukat-mukatan silang lahat ay NAG-PULASAN!
Naiwang tangi ang ating mga matatapang na SUNDALO,
Napalibutan sila ng mga komunistang TSINO;
Naitanong ko sa aking magiting na TATAY,
Ano ba ang sikreto at maraming TSINO’y NAPATAY!
Ang kabayanihang ipinakita nila TATAY,
Nagbunga ng mainam, mga mithiin at PAKAY;
Dahil sa pagkapanalo sa BATTLE OF YULDONG…
“TRUCE” tuluyang nakamit, NOKOR forces ay TUMUMBALILONG!
Ibinahagi ni ITAY ang sa BATTLE OF YULDONG ang naging SIKRETO,
Pero sa aking paningin ang Panginoong DIYOS ang naging ULO;
Kulang daw talaga ang mga TSINONG PULAHAN ng ARMAMENTO,
Kaya lahat sila’y halos napadpad sa SEMENTERYO!
Sa unang salpukan daw TSINONG nauuna’y may DALA,
Kapag nalugmok na’y hahalili ang isa PA;
Ang sandata ng una’y hahablutin ng HAHALILI…
Kaya silang lahat kamataya’y PINAGHELE!
Ang sumunod na yugto ng naging BAKBAKAN,
“HAND-TO-HAND combat” na ang syang NATURINGAN;
Mga bayoneta, sundang at matatalas na ISPADA,
Dahil nagkalapit na sila, mistulang parang naging TUPADA!
Saksak dito, saksak DOON…
Tagpas sa leeg, tagpas sa TUMBONG…
Dugong pulang-pula halos ay SUMISIRIT…
Init ng labanan ay walang hintong SUMASAGITSIT!
Marahil maitatanong bakit TSINO ang KALABAN,
Dahil mga KOREANO ang sa una’y NAG-LABAN-LABAN;
Ang PULAHANG TSINA ang syang SUMAKLOLO…
Sa NOKOR FORCES, na malapit na noong MATALO!
Maraming ALLIED FORCES ang nakakita ng LABANAN,
Mula sa malayo, tulong nila’y sa dasal IDINAAN…
Dapat ang labang ito ay maging isang TANGING MEMORIAL…
Ang TAPANG ng PINOY halos naging “GLADIATORIAL”!