Hola, los bankeros y bankeras de ALLIED BANK…
Bayad na po tayo ng down payment sa AGUINALDO CAMP;
Dapat na po nating paspasan ang pag DE-DEPOSIT,
Para ang downpayment natin ay hindi po ma-FORFEIT!
Ang PNB po ang ating depositary BANK, sa P TUASON, CUBAO…
Joint po with LEN RAMOS who at the 1st meet sung a SONG and took a BOW…
Kasama din po sa joint account AKO, WALTER YOUNG PO…
Legal and Collection Department po ang dating ASIGNATURA KO!
The down payment covers venue rental and ALL,
Pati na rin po ang food, wine and other ALCOHOL…
Our menu is sort of truly EXQUISITE and EXCITING;
Will list it down so that you’ll have a PREVIEW READING!
TIGRES MEJILLONES po ang unang APPETIZER…
Yon pala’y TAHONG, at HIPON na may ALIGUE;
Inespanyol pa nga ng MILITARY MANAGER,
Naku si BOSS BENG, baka akalain ito’y FRIED TIGRE!
SETAS AL AJILLO naman po ang KASUNOD…
Yon pala ay KABUTE na lasang UBOD;
“Button mushroom in olive oil”, sa wikang INGLES,
Mukhang parang pulutan itong sure na maagang MAPAPALIS!
Ang SOUP naman pala ay MUSHROOM CAPUCCINO…
Hindi po ito KAPE, pero type po ng mga TSINO;
“CREAM OF MUSHROOM with FRESH MILK”, PALA…
“MILK” daw ng dalaga, yon ang type ni PETER PAPA!
Dalaga daw na “GOAT”, yon naman PALA…
Kaya itong si PETER PAPA, very eager as if nag-HU-HURRAH!
Nag-donate pa nga ng additional MOOLAH,
To spark and perk up the REUNION SATURNALIA!
Ang ENTRÉE po naman ay LANGOSTINOS AL BRANDY…
Yon naman pala’y SAUTEED PRAWNS na may CHILI;
At meron pa ding kasamang LENGUA AL QUITO,
Na ang katambal naman po ay POLLO IBERIKO!
Meron din pong intriguing na PAELLA NEGRA …
Meron pa ding mas masarap na PASTA ALFREDA;
At ang DESSERT po ay CHOCOLATE ÉCLAIR…
May drinks na dadalhin ang partner kong si CLAIRE!
Bilib-na-bilib po akong talaga kay ALBERT MONIS,
Talaga po naman ang pag-iimbita ay inaayos at INIIMIS;
Mukhang halos inimbitahan na din ang mga nasa SEMENTERYO…
Lintik talagang manghalina at sagad na MANG-ENGGANYO!
At meron din tayong masusing IN-HOUSE CHAT GROUP STALKER…
Mukhang nakabantay kay Boss BENG na tunay na ICONIC drinking PARTNER;
ALAK-DOS yata o TWO-THIRSTY na nang umaga ay GISING PA,
Dahil gising pa nga rin itong kay Lolita Solis ay PAPA!
At ang magandang balita ay meron tayong BOOTH…
PHOTO BOOTH yon at sponsored ni CHRIS DOBLES, who’s my BOSS;
Meron ding photographers na during the affair ay MAGLILIBOT…
Siguradong lahat ay magiliw at excited na mag-PO-POSE!