FUN RHYME ON “ANG PAGPAPABAKUNA KAY FE”

ITONG MASALIMUOT NA USAPIN UKOL SA PAGPAPABAKUNA…

NAKU, NAPAKARAMI ANG MGA HAKA-HAKA AT MGA KAHINDIK-HINDIK NA ISTORYA;

MERONG KASAMBAHAY ANG KAIBIGAN KONG SI BOSS MON – –

ABA’Y AYAW NGA DAW MAG-PABAKUNA ANG MAID NILANG SI CORAZON;

DAHIL MAGIGING BAMPIRA DAW SIYA, PAG-DATING NG PANAHON!

Vampire Virus (2020) - IMDb

YAON NAMANG ISTORYA KONG UKOL KAY FE , NA OFFICE COOK NAMIN AY MEDYO MAHABA…

MAGSISIMULA AKO NOONG AKO’Y KUNWARI’Y NAGTAKDA NG ISANG BABALA;

SABI KO SA LAHAT NG KAWANI NG AKING LAW OFFICE STAFF – –

DAPAT ANG LAHAT AY MABAKUNAHAN, KUNG HINDI’Y: “WORK WILL STOP”;

BIGLA NA LANG TUMIRA YARING AMING MENSAHERO, “I WILL RESIGN!”, ANG TARAY…AT AKO’Y MEDYO NA-SHOCK!

AT WALA AKONG NASABI KUNDI, “DI MAG-RESIGN KA”…

AT PARA BAGANG AAALMA PA SIYA, NAKU MAANGAS PONG TALAGA;

AT NANG NAG-PASABING SIYA’Y TULUYAN NANG MAG-RE-RESIGN – –

INARBOR PA ANG HONDA MOTORCYCLE, NA SA KANYA’Y NAKA-ASSIGN;

BINIGAY KO NA RIN, AT WALA DAW SIYANG PAGKAKAKITAAN, AND WITH MY “YES” HIS EYES GLISTENED WITH MUCH SHINE!

Honda News And Updates » REVJUST

AT HALOS PARANG NAG-SECOND THE MOTION ANG DALAWA…

YAONG OFFICE COOK NAMIN AT ANG DATING SECRETARY KONG MAGANDA;

HINDI RIN DAW SILA MAGPAPABAKUNA PONG TALAGA – –

KONTRA DAW NGANI SA RELIHIYON YONG ISA, AT KONTRA DAW ANG MAMA NIYANG SI NENITA;

KAYA AKO’Y KUMALMA NG KUNTI, BAKA NGA STAFF KO’Y TULUYANG MAG-WELGA!

UNTI-UNTI NAMING HINIKAYAT AT KINUMBINSI SI FE…

DAHIL LUMISAN NA NGA ITONG SI ROSE, NAUNA PA NGA SI ENRIQUE;

AYAW NA AYAW NGA PO NILANG SA COVID AY MAGPABAKUNA – –

PATI NGANI KANYANG ASAWANG SI ALMER, BUTATA PA RIN SA EKSENA;

“WALA DAW SIYANG MAGAGAWA’T, AYAW DAW NI FE NA MAGING BAMPIRA!”

SUBALIT SA PAMAMAGITAN NG PANGHIHIKAYAT NITONG MGA BAGO KONG KAWANI…

SI MARISSA NA MAKULIT NANG KUNTI, AS SI JESSI NA MAPAGKUNWARI;

MAPAGKUNWARI, DAHIL MAHILIG MANG-ASAR AT MANG-OKRAY – –

PALAGING NAG-“JO-JOKE” AT KUNG MINSAN DIN AY MATARAY;

MUKHANG NA-KUMBINSI NA SI FE, BASTA “VACCINE” DAW AY MODERNA, JANZZEN, WAG LANG SINOVAC, AT AWAY NYANG MAKATAY!

Moderna COVID-19 vaccine gets US authorization, second in 8 days - Nikkei  Asia

NAGING HULOG NG LANGIT NAMAN ITONG SI DOC NIKKO

POGING ANAK NG  KAKLASE KONG SI MARVZ GONONG, SA UP COLLEGE OF LAW;

NAG-TEXT SA AKIN AT MAY MODERNA VACCINE DAW NA SURE SA CALOOCAN – –

KAYA AKIN NANG KINONPRONTA SI FE, PARA MAG-“YES” NA NANG TULUYAN;

AT NANGA-NGATAL NA PUMAYAG SI FE, SI DRIVER WILLY PA ANG PINAL NA NAG-PAYO DAHIL SIYA NGANI ANG HININGAN!

100+ Zombie Pictures | Download Free Images on Unsplash

AT BAKUNADO NA SI FE, AT ‘DI NA BILIB NA SIYA’Y MAGIGING BAMPIRA O ZOMBIE

TUWANG-TUWA NGANI ITONG SI ALMER, NA ANG PALAYAW AY TOBY;

DAHIL MASISIPINGAN NA ULI NIYA ANG ESPOSANG, PALAGIANG NASA PALENGKE – –

AT PAG TULUYAN NANG MA-“FULLY VACCINATED”  NGA ITONG SI FE;

BAKA MASUNDAN PA NGANI NG  PANGATLONG ANAK, NINA FE AT NI TOBY NA NGAYO’Y “LOVEY-DOVEY”!