[At the CHATEAUBRIAND PREMIUM STEAKHOUSE located along Roxas Boulevard, from LEFT to RIGHT: myself, Marvin Gonong, Joey Osana, Mario Clutario, Babes Navarro, Ding Dar Santos and Vic Cruz]
Mabuti na lang at si JOEY OSANA,
Naisipang magyaya ng tanghaliang SAGANA;
Aba’y gusto pa naman ay sa MANILA HOTEL ang PIGING…
Naku, dahil sa mahal malamang ako na la’y MAGSASAING!
Tumawag sa akin si BABES NAVARRO…
Request nya sa akin, syempre hindi ako maka “NO”;
Ako na lang daw ang sumundo’t MAGHATID,
Kay MARVIN GONONG na turing ko’y KAPATID!
Si CEL GELLADA naman na talagang nag-confirm NA…
Aba’y sasamahan daw sa U.P. ang anak NYA;
Mayroong interview for enrolment sa U.P. Los BAÑOS;
Syempre sama siya agad para sa “tuition” ay iwas ng GASTOS!
Ito namang si BENJU DELA PAZ,
Tumawag sa akin akala ko’y mag pa-PASS…
Sabi nya ay sabay din sya sa AKIN;
Pero bigla daw nag request ang Mrs., na sing-irog nyang DINGGIN!
Syempre si BENJU’ y mabait na ESPOSO;
Kelangan daw ni Mrs. mag pacheckup ng HUSTO;
Aba’y ang pag-check up, yon ay something MEDICAL…
Ang alam at arok lamang ni BENJU ay something “that’s LEGAL”!
Pero ako’y tunay na bumilib kay MARVIN,
Kapag may reunion, ang bilis at KAYTULIN…
MARVIN really wants to enjoy the BONDING;
Kahit nga siguro’y masakit ang kanyang NGIPIN!
Eto namang si VIC CRUZ ay may magandang KUWENTO…
Nagulat nga ako at na-“shock” ng TODO;
Sa first day daw ng class pala nila kay Prof Flerida Ruth ROMERO – –
Aba’y may introduction na kakaiba ang TONO!
Sinambit ang ngalan at may dugtong pang LATINO…
“Magna cum laude from FEU”, wika ni CRISPULO;
“Summa cum laude from DLSU”, wika nung taga LA SALLE,
“Cum laude from U.P.”, magiting na “lady” ang syang UMUSAL!
First time naman itong si DING DAR SANTOS ay SUMAMA…
Marami syang kuwento at magagandang ISTORYA;
Pinagmamalaki ang apo nyang hiphop DANCER,
Sa kanya daw nagmana, at sya daw ang dance TEACHER!
Natuloy at naganap ang kainan sa RESTO
CHATEAUBRIAND…
Aba syempre dito ay masarap ang ULAM;
Con todo ang steak at meron pang lamb CHOP…
Meron ding tempura na isinawsaw ko sa KETCHUP!
Syempre inilabas ko na ang discount COUPON…
Para si BABES ay start na ng COMPUTATION;
Magkano ang bayad ng bawat TAO…
Dahil kasama ang driver, si MARIO ay DOBLADO!
Ang mas magandang kwento ay nung bayaran NA…
Aba’y 50 % at hindi 30 % lang PALA;
Yaon ang diskwento na aming NAKUHA,
Kaya pati si MARIO CLUTARIO lumamon ng PICAÑA!
PICAÑA ang tawag sa premium na STEAK…
Brazilian daw ang style, sa lasa at sa HIMIG;
Syempre kain din ako halos ng TODO,
Dahan-dahan MARIO at baka tayo’y MAIMPATSO!
Dapat sana’y nakasama si Boss VICKY BATACLAN sa TWEET UP,
Dumating mga balikbayang kaanak at mistula siyang na HELD UP;
Syempre bilang magulang at maaruga’t mapagmahal sa mga ANAK…
Binigyan ng oras ang biyahe at ang tour sa BANAWE, na tunay nyang TINIYAK!
Si ROMY LEGASPI naman na nasa NEW JERSEY,
Aba’y minimithi at minungkahi ang biyahe sa U.S.A.;
Magkita-kita daw kaming lahat sa LAS VEGAS,
Pati sa JOEY OSANA sa excitement ay NAPAPIGLAS!
At lalapang ng STEAK TARTARE sa STRIP HOUSE -LAS VEGAS at pati marahil ay FOIE GRAS!!