FUN RHYME BLOG 359: TUNAY NA DISIPLINA ANG PANLABAN SA PANDEMYA

 

DISIPLINA1

 

Kailangang talaga ang mahigpit na DISIPLINA …

Ukol sa laban natin dito sa COVID na PANDEMYA;

DISIPLINANG mula sa kaibuturan ng ating sariling PAGKUKUSA – –

Hindi yaong DISIPLINANG, na dapat pang IPINAG-UUSISA!

covid-infection-rate-PH

 

Malala na pong talaga ang daloy ng INFECTION RATE…

Mukhang tayo’y dapat nang “not just WAIT and WAIT”;

Mahirap nang umasa pa muna sa pagdating ng VACCINE – –

Tratuhin natin ang hindi pagsunod sa PROTOCOLS “as  a TRULY GRIEVOUS SIN”!

DISIPLINA3

Kung hindi naman po ESSENTIAL ang inyong GAWAIN…

STAY AT HOME please, at huwag na po munang MAG-“IN”;

At huwag na huwag pong gagawa ng anomang PALUSOT – –

Baka po kayo’y ma-KALABOSO, at kulay ORANGE ang inyong MAISUOT!

prison-ph-more-fun

Dalawang-linggo lamang po naman ang itatagal NITO…

Huling hirit na lamang po, upang ang INFECTION RATE ay MAGBAGO;

Pagpursigihan po nating lahat upang hindi tayo’y  MABULIYASO – –

Baka maging PAULIT-ULIT laang, at magmumukha tayong mga PAYASO!

 

May mga TAO dangkasi, lalo na sa mga PALENGKE…

Na kung saan, haay naku, doon si COVID VIRUS, PUMIPIRME;

Kung umasta eh, akala mo’y si SUPERMAN o WONDER WOMAN – –

Ni ayaw MAG-MASKARA, at ayaw daw magmukha silang, si BATMAN!

 

Magtulong-tulong na po tayo para sa PAMBANSANG KALUSUGAN…

Mas lalong magiging maigting ang halos lugmok nating KALAGAYAN;

Itaguyod po natin ng palagiang PANALANGIN at lubos na KOOPERASYON  – –

Para po maigawad sa atin ng Poong MAYKAPAL ang patuloy at ganap na BENDISYON!

 

 

PATULOY NA ISIPIN ANG KALIGTASAN NATIN;

UPANG ANG PANGINOONG DIYOS,

PANALANGIN NATI’Y DINGGIN!

God's blessing2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s