FUN RHYME SERIES 302 – YOUNG LAW FIRM BADMINTON TOURNEY; REREPEKE SA AGOSTO A-NUEVE

 

 

Noong una’y wala talagang hilig MAGLARO,

Kaya quorum sa BADMINTON, ang hirap pong MAPUNO…

Yong mga players na naglalaro nang REGULAR at PALAGI;

Eh kung dumating ay after SIX, at dun na po NAHIRATI!

 

badminton-photo-group-old

Eh dahil ako’y EARLY SLEEPER at pati’y EARLY WAKER…

Hinimok ko na maglaro mga staff at  mga LAWYER;

Pero marami ang rason, wala daw shorts na PANTALON,

Pati raketa daw ay wala, sooo… ako na ang “BUY” for just a SONG!

 

babolat

 

Wala din daw na bagay na RUBBER SHOES,

“Gum-soled” nga daw ang swak at syang AYOS…

Soooo…. bumili na din po tayo para sila’y “NO EXCUSE”;

At ang games nga po’y tuluyan na pong DUMALUSDOS!

 

BADMINTON-PARAPHERNALIA

 

Naku ngayon nama’y na-ADDICT na po SILA,

Pati si ATTORNEY JOVY na… “ALA EH” KE KA;

Ang galing na pong mag-SERVE at mag-SMASH…

Magaling din po siyang tunay na  HUMIMAS!

 

atty. gambol-picture

 

Yon naman pong kanyang HINIHIMAS…

Yaong manok na mayroong PAKPAK;

Kayo yaong pong mga SHUTTLECOCK…

Dahil may PAKPAK, ang himas niya’y PAGASPAS!

badminton-reflexes

 

Ang badminton ay isang angkop at tamang LARO…

Na puno at timyas sa kalusugan pong TURO;

Nakakasigaw ka na, may halakhak at tawa PA,

Pwedeng pong maglaro kahit sa hapon o UMAGA!

 

10-badminton-health-benefits

 

Ang sabi nga kasi ng mga health expert TALAGA…

Yong paghingal at pagdatal ng halos kapos na ang HININGA;

Yaon po ay malaking tulong sa ating cardio-vascular HEALTH,

‘Cos if you’re healthy sans ills,you’ll truly preserve your WEALTH!

 

keep_calm_and_play_badminton

 

Ang reflexes pati sa laro ay tunay na NAPAUUNLAD,

Kaya ikaw po’y mas magiging alerto at di ka KUKUPAD…

Magiging tunay na SLIM ka pa nga RIN,

Pero bakit nga ba si DONNA ay ganun pa DIN!

 

eye-reflexes-badminton

 

Pati mata mo nga ay MA-E-EXERCISE…

Pupungay ang mata at ika’y magiging WISE;

Syempre kapag tumira ka ng DROP SHOT,

“Ang galing”, sambit ni Atty JOVS, o di ikaw’y BIG SHOT!

 

 

 

 

Paano nga naman ba ginagawa ang DROP SHOT..

Dapat wag mong paluin ng malakas na para bagang CANDY POT;

Pitik lamang at medya-medya ang siyang iyong HAMPAS,

Pero dapat ang bola po’y sa NET ay tunay na LUMAMPAS!

 

badminton-warm-ups

 

Dapat tuwing laro ay mayroon konting WARM-UP…

Di na po kelangang pang uminom ng SEVEN-UP;

Pero dapat ay mayroon din pong STRATEGIZING,

Para walang magkatamaan sa init ng JUMPING at PLAYING!

 

Badminton_

 

Mas magiging palagian na nga NA TAYO’Y MAGLALARO…

Dahil si Attorney VIC ay babad na sa research at sa TURO…

Mayroon na siyang service na ng bolang, lipad ay PAMATAY…

At kay Attorney JOVY niya itong panay na INA-APLAY!

 

Ang service ni VIC ay parang may ORACION…

Mistulang nawawala tuloy ang kay JOVY na VISION….

Hindi daw nya pong makitang TALAGA…

Baka kailangan na natin ng bolang ang kulay ay PULA!

houston-astrodome

 

Kaya si Attorney VIC ay ganadong-GANADO….

Pati mga sukat ng Court ay kanya pong MEMORYADO…

Alam nya pati ang history ng sinaunang BADMINTON …

Malamang siya po’y kuning mag-lecturer  sa Astrodome sa HOUSTON!

pinkpototoy

 

Kaya kapag ka-partner nyo si Attorney VIC…

Sigurado na ang panalo and it will be QUICK;

Siguraduhin nyo lang na huwag na TATAMAAN…

Ang cute nyang POTOTOY na INAALAGAAN!

 

jump-badminton

 

Ang sarap talagang mag-laro ng BADMINTON;

May sigaw, tawa, halakhak, lundag at TALON…

Para bagang tayong naglalaro ay mga puro paslit na nag-AALBURUTO,

Itong isang PARTNER ko nga, nag mukhang KOMIKERO!

august-9-2019

 

Ngayong darating na AGOSTO A-NUEVE…

Meron po kami sa YOUNG LAW FIRM na TOURNEY;

“Doubles teams” po ito at syempre mayroon pong PREMYO,

May CASH prizes, at si VIC mukhang gusto’y BORACAY ticket pa for TWO!

 

 

Ang magiging pairing ng bawat co-tandem at PARTNER,

Ang first, si MON at si VIC na BEGINNER;

Tapos, si WALLY at si LAWRENCE na MINOR…

Pero, nag-pledge na walang GIGIL at no ERROR!

 

 

 

Pangatlong TEAM ay si JOVS at si FE,

May-usapan silang, SECRET TRAINING sa GABI…

Ang pang-apat…si CONDER at LITO;

Mukhang sila halos dalwa ay tubong CAGAYANO!

 

 

Panglimang TEAM, si LYN at GARY…

Mukhang LLAMADO ito, at sabi ay GANIRE;

Si LYN ay DROP SHOT EXPERT,

At si GARY ay SMASHER who is so PERFECT!

 

 

Pang-anim naman, ay si ELLA at DONNA…

Si ELLA ay MOST IMPROVED PLAYER;

At si DONNA naman ay SHUTTLECOCK SLAYER,

Dahil sa tindi ng PALO, ang COCK tanggal po ang FEATHER!

 

Pang-pito po naman ay si NOLI at si ROSE…

Mabuti na lang at ang PERIOD ni ROSE ay NAUBOS;

Dati-rati ay tila 4 times a WEEK…

Ngayon ay wala na… INDEED SO  VERY QUICK!

 

Ang pang-walo naman po ay si KIRSTEN at JOMAR…

Naku ang SERVICE ni BANANA…

Talagang ma-TUTULALA KA;

Lumilipad “unto the OUTSIDE”, naku MALI PALA!

 

 

At ang last but NOT THE LEAST…

At huwag po sanang agad TUMALILIS;

Ay ang utol kong  si WARREN at si MAYETTE…

Complete with their uniform and MAYETTE’S new RACKET!

 

 

Kaya tuloy si Attorney JOVY may blood test noon isang ARAW,

Dahil kumpiyansa syang todo sa ano mang test o HALIKAW;

Naku talagang edad teenager ang kanyang naging BP,

At ang blood sugar level nya, ay so very pretty!

Baka maghanap na si Attorney Jovy ng lifetime partner na also very PRETTY!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s