FUN  RHYME  SERIES 292: MALIGAYANG KAARAWAN FE!

 

 

Si FE na aming ulirang KASAMTANGGAPAN,

Hindi mo talagang tunay na MAUUNAHAN…

Sa sinop, sa sipag at sa KATAPANGAN DAW;

Kaya tuloy si ALMER, kunting maling kilos ay KWIDAW!

 

 

almer tobias 

 

 

 

Kawangki daw kasi ni FE si GABRIELA SILANG…

Isang bayani na bantog sa tapang at KAGITINGAN;

Si ALMER daw naman ay kamukha ni DIEGO…

Hindi ko alam kung SILANG din ang APELYIDO!

 

 

fe-tobias4

 

 

Paano kong hindi sasabihing si FE ay MATAPANG…

Aba eh, napapaligiran ng mga tigre’t asong NANGLALAPANG;

Mga tigreng nangangalmot na maliliit pa lang NAMAN…

KUTING pala talaga ang tunay na kanilang PANGALAN!

 

fe-family

 

Pero ngayong araw ay ang kanyang KAARAWAN;

Inuna pa nga yata ang mga aso’t pusa kanyang HINANDAAN,

Baka mamya FE’y isama pa ang aso sa ating KAINAN;

OKEY na rin para ang “BDAY song” ay may KAHULAN!

 

dog-with-lollipop

dalmatians 

 

Napakadami talaga ng ASO ni FE…

Parang gustong gayahin ang “101 DALMATIANS” na SINE;

Pati nga sa mga pusang ligaw ay NAHUHUMALING…

Kwidaw ka at baka makalmot ang kay ALMER na DING-A-LING!

 

fe-laarni-lawrence

 

Sa iyong kaarawan ngayong araw, FE TOBIAS…

Hindi naman kailangan kang regaluhan ng ALAHAS;

Kasi ang inyong mga anak na si LAWRENCE at LAARNI…

Sadyang inyong mga mamahaling HIYAS na “sure” sa bukas ay AANI!

 

fe-lawrence 

MALIGAYANG KAARAWAN SAYO FE!!!!

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s