FUN  RHYME  SERIES 291: ALLIEDBANKERS GRAND REUNION, “HATS OFF” AND SIYANG TEMA!

 

 

 

Dahil nga naman tayong lahat ay dapat MAGPASALAMAT…

Sa ALLIED BANK na syang ating PINAGLINGKURAN;

Na sumuporta at ginabayan ang ating KABUHAYAN…

Lahat tayo sa ating GRAND REUNION ay magdadala ng “HAT”!

 

hats-different-kinds

 

Ang sabi nga sa OPENING PRAYER na INUSAL…

Sa kahapong 2nd MEETING na sinimulan ng ALMUSAL;

Ay ganire at sana ay dapat na sa ating puso’y IKINTAL,

Upang ang ating GRAND REUNION, sa ating gunita ay MAGPANTAL!

 

opening-prayer 

”We pray LORD that the GRAND REUNION would be a great time for fellowship, a grand time for reconciliation and grander time for expressing our gratefulness. Gratitude for all who have been part of our ALLIED BANK stint whether it may have added on or detracted to those happy times of working together, achieving our dreams and bringing hope and inspiration to others.”

 

lucio-tan-newer

 

Pero ang tangi at espesyal nating  PASASALAMATAN…

Ay ang institusyon na ating sadyang MINAHAL at INARUGA,

Ang BANGKO na pinaglingkuran, na tunay nating “PALANGGA”;

NILALARAWAN, dili’t iba ni BIG BOSS LUCIO TAN!

 

Your'e invited gold foil message

Sa paguusap kahapon, na pinangunahan ni Boss PETER…

Ang pag-imbita kay KAPITAN ay GAGAWIN,

Maaring siya’y lumiban, maari ding sya’y DUMATING;

Basta importante’y merong  ipadadalang “INVITE LETTER”!

 

 

 

 

Hindi nga namang angkop at MAGANDA…

Kung tayo’y mag-sosolicit ng donations sa mga ANAK NYA;

Na walang IMBITASYONG na ating IPADADALA,

Si CHARO nga kasi’y nag-AALALA!

 

 

Tanduay-booth

 

Plano ni CHARO na mag-SOLICIT…

Sa LT Group ng mga pang-raffle GIFT;

Pwede rin marahil, isang booth ng TANDUAY,

Para may TOMA at inumang na may konting HAYAHAY!

 

 

1,000 pesos

 

At importante ding MALAMAN ng LAHAT…

Ang pagbabayad ng BUTAW para di tayo MASALAT;

Sa huling araw o ika-30 po ng AGOSTO,

Dahil ang “last day” ng August ay SABADO at PNB’y SARADO!

 

 

At ano nga daw ang ibig sabihin ng BUTAW…

Syempre yaon ang “sang-libo” na ating “PARTICIPATION PAY”;

Kaya tayong lahat dapat bayad agad, dahil KWIDAW…

Baka ang ating RESERVATION sa VENUE ay ma-BALE-WALAY!

 

hats-off-newer

 

Balik tayo sa ating exciting na TEMA…

HATS OFF to ALLIED BANK, wika ni GRAND LADY CORA;

Pwedeng mag-cowboy hat, fedora, beret, hard hat at SOMBRERO…

Pwede na rin siguro ang CRASH HELMET, kung may dalang MOTORSIKLO!

 

crash-helmet

 

Pero doon ngani sa mga kapangkat nating MAKAKALIMUTIN…

Lalo na yong mga ilang na nag-UULYANIN;

Kung makalimutan daw o MAKALIGTAAN…

DADYAN…meron tayong booth sa party venue na MABIBILHAN!

 

Moneymax_Tiangge_Philippines

 

Mukha nga marahil ay magiging TIANGGE…

Itong party venue partikular sa may LOBBY;

Dahil INO-KEYAN at INAPROBAHAN ng TOTOO,

Pagbebenta sa LOBBY ng kung ano-anong MEMENTO!

 

 

KAYA PARA SA GRAND REUNION AY MAGHANDA NA TAYO!

 

 

hats-off-throw-away

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s