[Kinatha ko po ang ODANG ito bilang pagsasalin ng buod ng biograpikong-aklat na naisulat sa wikang ingles at pinamagatang: FOREVER YOUNG: A Walk through the Life of Maximo Purisima Young, na aking ding inakda. Itong serye po ng ODA pong ito ay bilang pasasalamat sa pagkakahalal ng aming ITAY bilang PANGULO ng PHILIPPINE EXPEDITIONARY FORCE TO KOREA VETERANS’ ASSOCIATION, INC. (“PVAI”), isang samahan ng mga beteranong lumahok at lumaban para sa ikatatagumpay ng demokrasya noong pumutok ang KOREAN WAR noong ika-25 ng Hunyo 1950. Ito po ay isang malaking pasasalamat dahil bilang nakamulatang tradisyon sa PVAI, ang pag-ka-PANGULO po ng PVAI ay taguring inirereserba lamang sa mga opisyal ng militar na lumahok sa KOREAN WAR na nag-tapos sa PHILIPPINE MILITARY ACADEMY.]
Nang aking gawin ang biograpiko ni TATAY,
Panahon at tinta ang aking NILUSTAY;
Bansag sa kanya noon ay mestisong BANGUS…
Yan ang tawag sa kanya sa bayan ng SANTA CRUZ!
Ang INAY kong taga-Laguna ay mukhang tomboyin DAW,
Kaya’t aking AMA kung kumilos noon ay KWIDAW;
Subalit nang ang mga mata nila’y NAGSALPUKAN…
Nauwi itong tunay sa ligawan at KANTAHAN!
Bumalik tayo sa pagsilang ng aking AMA,
Hulyo a treinta ito’y simula ng SEMANA;
Taong isang libo dalawampu’t DALAWA,
Umaabang na noon sina Lolo JULIO at Lola GENIA!
Ang Lola naming tunay na si Lola EMILIA,
Takot magkaanak dahil bata pa SIYA;
Subalit kinausap sya ni Lola GENIA,
“Ako ang aampon, dyaskeng bata KA!”
At ipinanganak na nga po si MAKSIMONG MESTIZO,
Yan ang tawag ni Lola sa Tatay kong GWAPO;
Ang naging apelyido nyang una ay MARIÑAS,
Bilang anak-anakan ni LOLO JULIO, yaon ang PINALABAS!
Nang lumaki-laki na si TATAY sa Opon, CEBU;
Yan ang tawag noon sa siyudad LAPU-LAPU;
Nagtataka si Tatay bakit mga utol nya DAW…
Kakaiba ang kulay, sa balat niyang MAPUSYAW!
Nang ang alinlangan nga kay LOLA’y I-TINANONG,
Kung bakit kulay daw ng mga utol ay TALONG;
Si LOLA’y paangil na nagpaliwanag kay Tatay KO,
Paglilihi daw nya’y kakaiba, dapat na MATANTO!
Ang sabi ni LOLA GENIA sa Tatay kong si SIMO,
“Pinaglihi kita sa gata ng niyog, dapat malaman MO”;
Pinagbawalan din ang Tatay SIMO KO,
Huwag makinig sa tsismis, basahin ay PERYODIKO!
Noong kabataan ng Tatay SIMO,
SIMO ang palayaw, dahil sya ay MAXIMO;
Nakawilihan nilang mag-BOKSIDOR kasama ang mga UTOL…
Kahit na malaki sa kanya, sya’y PUMAPATOL!
Galit na galit si LOLA GENIA,
Nanggalaiti sa galit ang namumulang hasang NYA;
Ni ayaw niyang madapuan ng lamok man LAMANG…
Si SIMO ngayo’y naging punching bag ang TIYAN!
Si Lolo JULIO nama’y tuwang tuwa at MASAYANG-MASAYA,
Sa mga panalong ipinagwagi ni SIMONG nag-ala CEFERINO GARCIA;
Yong ang MANNY PACQUIAO nila noong mga taong YON…
Bolo punch ang sikat para ika’y maging KAMPIYON!
Pati sa awitan lumahok din si TATAY,
Sa Purico Singing Contest siya ay BUMALATAY…
Lalong nakilala at naging POPULAR,
Kaya’t naging “in demand” si ITAY, halos parang STAR!