FUN RHYME SERIES NO. 6 (TAGALOG VERSION) TSINA-TSANI BA NG KANO ANG PINAS? (IS THE U.S. SCRIMPING ON AID FOR PH?)

duterte-100days

[Bagamat marami ang nagulat at nag-alboroto sa ginawang proklamasyon ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa “SEPARATION” mula Estados Unidos; marami din naman ang natuwa dahil kailangan ding daw gulatin at mag-silbing “WAKE UP CALL” sa Estados Unidos ang mistulang hindi parehas na pag-trato sa PINAS ng Estados Unidos ukol sa usaping FOREIGN AID. Ang sabi ng mga mahilig din sa mga ma-aanghang na pananalita ni Pangulong DIGONG… “mukhang tsina-tsani tayo ng mga KANO”.]

Lumabas na’t dumagundong,

Proklamasyon sa separasyon!

Ang STATE DEPARTMENT na tuliro—

Humingi tuloy ng litrato.

 

Litratong kung ano nga ang—

Kahulugan noong anghang,

Na binigkas ni Duterte—

Pati JAPAN naturete!

 

Ang sabi ay, hindi naman…

Dili “divorce” “separation” lang!

Kaya WHITE HOUSE ay nabigyan…

Kunting “good news” pumailanglang!

 

Pero maraming komentaryo…

Naglabasan  sa mga dyaryo,

Ani iba… “Kasi mga Kano,

Tsina-tsani ang Filipino!”

 

Nagulantang yaring tanan,

Tunay na nagumilahanan;

EGYPT pala’y nakalasap—

49 Bilyon dollars; ang sarap!

 

Pero tayong mga PINOY,

Ginawa tayong mga totoy!

Sobrang sang siglo tayong sinakop,

Di natin natikman kainamang salop!

 

Ang PAKISTAN pati pala—

Umani ng sangkaterba!

One point five BILLION bawat taon;

Bakit ganyan; bakit ganun!

 

Sa totoo lang at sa’king wari!

DIGONG gusto lang mangyari…

U.S. ay magmuni’t mag-“emote”;

At wag sanang mag-kuripot!

 

At wag kayong magbalat-sibuyas,

Bagkus kayo’y magkaka-balbas;

Sa pag-aantay kay DUTERTE,

Tiyak sya’y di mag-so-SORRY!

 

Nakita nyo’t pinalabas,

Ang utos nyang: “YOU GO, GET OUT!”;

Kaya’t ang mga U.S. businessmen,

Tawag “meeting”, OMIGOSH!…amen!

 

Kaya’t  itong aming DIGONG!

Presidente naming bugtong;

Huwag kayong pahara-hara,

Baka kayo ay mamura!!!!

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply