FUN RHYME UKOL SA KUMPLEANYO NI VIC CRUZ HABANG BAGYO’Y DUMADAUSDOS

DAHIL SA PAG-AALAY NG MISA NOONG HULYO KATORSE…

KAUGNAY SA PAG-ALAALA NG MGA PUMANAW NA UP LAW EVENING NA MGA KAKLASE;

NAIMBITAHAN TULOY ANG SYANG MGA NAGSIPAGDALO SA MISA AT SALU-SALO – –

SA KUMPLEANYO NITONG SI VIC CRUZ NA NAGLUTO NG MGA ULAM NIYANG PABORITO!

NAPAG-KAYARIANG “HAWAIIAN” ANG SIYANG MAGIGING MOTIF O THEME…

KAYA BULAKLAKIN ANG MGA KASUOTAN AT SYANG NAISIPANG SUOTIN;

SI BENJU DELA PAZ DAW AY SA BAUL PA HINALUKAY ANG KANYANG FLOWERY POLO – –

SI MARVIN GONONG NAMAN EH TATLONG BAUL NA ANG HINAHALUKAY,  WALANG MAKITA, KAYA SYA’Y NA-ZERO!

NAGDALA NA LAMANG SI MARVIN NG HULA SKIRT NA KULAY GOLD AND VIOLET…

MUKHANG “SCANDALIZING” DAW NAMAN KUNG SUSUOTIN NIYA, ‘COS HE GAINED MUCH WEIGHT;

IDINECORATE NA LANG, BILANG DAGDAG NA ADORNO SA WALL DÉCOR PHOTOS – –

NG MGA BIRTHDAY CELEBRANTS, NA SINA FE, ANG COOK NAMIN, AT SI VIC CRUZ!

AT NAPUNTA ANG USAPANG UKOL SA MGA KARANASAN NOONG SILA’Y MGA SUPLING…

KUNG ANO ANG SYANG PINAGKAKAABALAHAN, AT KUNG SAAN BUMABAN-JING;

AT KUNG ANO ANG NANGYAYARI SA HAPAG-KAINAN KAPAG MARAMING UTOL – –

MAY  PAGKAKAIBA NGA BA ANG PANAHON NOON, KEYSA SA MGA MILLENIALS NGAYON, NA SO VERY BEAUTIFUL!

KUMPLETONG-KUMPLETO  NGA ANG MGA GADGETS…

KAHIT NA NGA HALOS AY HINDI PA TUMATAPAK SA EDAD NA MAGING  BAGETS;

NAIKWENTO TULOY NI BABES, ANG STYLE NILA KAPAG KUMAKAIN – –

DAHIL INAATADO DAW NG INANG NIYA, ANG ULAM AT SINAING!

DAHIL HINDI NAMAN STRIKTO SA PAGBIBIGAY NGA NG KANIN…

HALOS GA-BUNDOK DAW ANG RICE NI BABES, YONG PALA’Y MAY SECRET, NA HINDI NYA NOON INAAMIN;

NAGTATAGO PALA SI BABES NG FOOD SA ILALIM NG KANIN – –

AT KAHIT NA PALA NOON SILA’Y NAPAHILIG SA SOCIAL DISTANCING!

NAPAHILIG NA NGA SILA SA KUNTING SOCIAL DISTANCING, HINDI DAHIL SA PANDEMIC NA DIABLO…

DAHIL DAW KUNG MINSAN KAPAG SIYA’Y NAPAPALAPIT SA UTOL NYANG PILYO;

GINAGAMIT ANG “FORK”, TO SPEAR, YONG ULAM, SA KABILANG IBAYO – –

KAYA DAW DAPAT “OBSERVANT” AT “WATCHFUL” KA, KUNG HINDI, YARI ANG MEAT MO SA PLATO!

ITO NAMANG SI VIC CRUZ DAW, AY NAGING JEEPNEY BARKER…

ELEMENTARY GRADE PALANG DAW SIYA NOON, HALOS ISA PA SYANG TODDLER;

AT SI MARVZ GONONG, AY NAGING LIMPIA-BOTA, ISANG MAGALING NA SHOE-SHINER- –

MAGALING PA RIN MAG-ESCOBA, LINTIK MAGPAKINTAB, MAY JOE BUSH PA NGA TO MAKE THE SHOES GLOSSIER!

NAGTINDA NAMAN PO NG BINATOG SA KALYE, ITONG INYONG LINGKOD…

NAGTINDA RIN NG DINUGUA’T PANSIT, NUNG GINAGAWA ANG ARANETA COLISEUM, SA MAY BANDANG LIKOD ;

SA MGA LABORERS, SELLING FOODSTUFF THRU THE BARBED WIRE, NA  NAGSILBING BAKOD;

AT MARAMI NGANG PARUKYANO NOONG HALOS DI NAKAKAPAGBAYAD, LAGOT AKO SA NANAY KONG, MASAKIT MAMINGOT AT TUMAMPAL SA BATOK!

AT NAPAG-USAPAN NAMAN ANG BINABAYAD NOONG TUITION FEE SA COLLEGE OF LAW…

ITO PALANG SI BABES AT BENJU, AY DISCOUNTED PA RIN ANG BAYAD, THUS THEY PAID THEIR FEES SO VERY LOW;

AT PATI ANG MGA PROFESSOR AY NAPAG-UKULAN NG PANSIN – –

STYLE NI CEL GELLADA PARA SA RECITATION, AY NATUNGHAYAN , THE STYLE WHICH GAVE CEL EXCELLENT RATING!

AT NAGKANTAHAN PA RING UMAATIKABO ANG MAGKAKAKLASE…

PATI SI BABES IPINAKITA ANG KANYANG CROONING FORTE;

AT SI CEL GELLADA NAMAN AY INAWIT AND KANYANG FAVE: “TO AL THE GIRLS I LOVE BEFORE” – –

AT SI VIC AT SI WALLY DID NOT EVER WANT TO GIVE UP THE MIKE AND THE DANCING FLOOR…

KAYA MARAHIL ANG BAGYONG RUMARAGASA LALONG UMAKYAT SA ALERT LEVEL FOUR!

One thought on “FUN RHYME UKOL SA KUMPLEANYO NI VIC CRUZ HABANG BAGYO’Y DUMADAUSDOS

  1. Thank you Sir Wally for organizing, hosting and providing most of the foods and drinks in this get-together of former UP Law (evening section) classmates at your office. Its truly apprrciated. We enjoyed our bonding and stories.

Leave a Reply to Vic Cruz Cancel reply