FUN RHYME MESSAGE to all NANAY, lalo na sa ating mga buhay pang mga INAY:
[On MOTHER’S DAY]


“INAY KO PO” ,yan ang karaniwang atin pong BINIBIGKAS…
Lalo na ang mga mumunting anak na kung sa sakuna po’y UMIIGKAS;
Mga NANAY din ang nagtuturo nang pagsaing ng BIGAS- –
Pati nga ang pagpapaandar ng mga sinaunang kalang de GAAS!
GASGAS na nga halos ang ating mga TENGA…
Sa mga payo at pangaral, kapag tayo’y nahahantong sa DISGRASYA;
Napakabait ni NANAY NORMA, nung tayo’y musmos, halos kunin sa pagitan ng ngipin ang TINGA- –
Ni ayaw tayong madapuan ng lamok, pati ng langaw; tunay po na sila’y KAKAIBA!
Malupit nga po naman sila PAMINSAN-MINSAN…
Subalit ang aruga at pagmamahal, palagi pong NARIRIYAN;
Noong tayo’y mga sanggol, tayo’y palagiang IDINUDUYAN- –
Tunay na sila, sa mga tahanan ang syang tampok na LUNDUYAN!
Bagamat nabansagan ang mga AMA, bilang siyang HALIGI…
Ang mga NANAY po nama’y siyang ating ILAW na PALAGI;
Buti pa nga po ang MERALCO ay meron pong BROWN OUT- –
Mga INAY po’y walang break-time, ‘di nga pwedeng mag- TIME-OUT!
Kaya atin pong mahalin ang ating mapag-arugang INA…
Na kasama pa rin natin sa ngayon, kahit tayo’y ulila NA;
Umusal po tayo tuwina ng marubdob kahit na maikling DASAL- –
Para sa ating mga NANAY na napakasarap po talagang MAGMAHAL!