“OUTING” NG YOUNG LAW FIRM, SA LIPA CITY ITINAGUBILIN

Nag-“OUTING” ang YOUNG LAW FIRM, upang makapag-REWIND….

Aba itong si MACKY, ay nagdala pala ng WINE;

At ito namang si DONNA na akala ko’y MATIGAS- –

Takot pala sa agos, gusto laang nya’y  mababaw na LAGASLAS!

Si FE at si TITA  naman, ay enjoy na enjoy at NAGTATATALON…

Bawat bugso ng agos ng malalaking ALON;

Si DONNA naman ay tunay palang na-HINTAKUTAN- –

Kaya siya ay nag-PLACING  katabi ni MACKY, bandang LIKURAN!

Ang mga tampok na kasama sa OUTING NA ITO…

Dapat ay si CONDER na kasama si “Mike TYSON” KUNO;

Wika ko naman kay Atty AYA BACLAO, na kaanak ni Kumpadreng MON- –

Isama mo ang utol mong pumasa sa BAR, at mabigyan sya ng kunting HAMON!

Isang HAMON na maglingkod sa ating GOBYERNO…

At mukhang ang mithi nya’y maging  NBI AGENT na TOTOO;

Mukhang kanyang tatahakin ang landas ni DIRECTOR LUDGI- –

Nag-umpisang maging AGENT, at sa mithing maging DIRECTOR ay

NAGWAGI!

Kaya naman kami’y napadpad sa LIPA CITY…

May-ari pala nitong RESORT ay isang SIS ni TENG sa APO FRATERNITY;

At syempre kami’y nagawaran ng 50 percent DISCOUNT sa dapat BAYARAN – –

Aba’y may commodious room na, ay may COTTAGE pang naging aming lugar ng KAINAN!

Cottage na malapit sa WAVING POOL SYEMPRE at TUMPAK…

At mababait ang mga staff, janitors, helpers at pati ang LIFEGUARD;

Meron pang ZOO at animo’y sang damukal na AVIARY- –

Yong OSTRICH kung tumilaok ay para bagang TIGRE!

At si JOMAR naman ay sobrang subsob sa REVIEWING…

Final exams na nga yata at lapit na ang BREAK na PARATING;

Pass daw muna sya at kailangan daw nyang MAG-ARAL ng HUSTO- –

Upang tuluyang makamit ang law diploma sa ARELLANO!

At ito namang si Atty. ROLLY Q. na ang palayaw ay KISSMI…

Madami daw syang deadlined pleadings, sobra daw talaga ang RAMI;

Kaya nag-pass na rin at kailangan daw MAGTRABAHO- –

Para daw si Mrs nyang DOCTORA ay ‘di MAG-ABURIDO!

 

At ito namang si Atty CEL GELLADA…

Na ang MRS ay MAGANDA;

May engagement din daw sila, syempre PRIORITY NILA- –

At itong si CEL ay palagiang hila ng ASAWA!

AT SIYEMPRE ANG ASAWA ANG BOSS, KAYA SI CEL AY ‘DI NAKASAMA!!

 

Leave a Reply