FUN RHYME BLOG: MGA MISTULANG NAOBSERBAHANG “BLESSINGS” SA GITNA  NG COVID PANDEMIC

 

ADVERSITY1

 

Ang sabi nga sa wikang INGLES, “… ADVERSITY IS NOT A CURSE, ‘TIS A BLESSING…”

Subalit mukhang ito’y napakahirap pong AROKIN;

Lalo na’t kung sa COVID PANDEMIC ay ating IHAHAMBING – –

Dahil nagdulot ng gulo’t kamatayan, halos lahat ng tao’y ‘di makatulog nang MAHIMBING!

 

ADVERSITY 2

Pero kung ating tunay ngang LILIMIIN…

Marami-rami rin ngang magagandang bagay na DUMATING;

Lalo na nga’t kapag ika’y hihinga ng MALALIM-LALIM – –

Mapapansin mong kakaiba ang kalidad po ng HANGIN!

 

adversity 3

Nawala nga din ang mga PASUGALAN …

Ang LOTERYANG LOTTO, na PINIPILAHAN;

Pati ang mga SELEBRASYONG napaka-GARBO – –

Na gustong-gusto po ng mga VANIDOSA at VANIDOSO!

 

Celeb-Parties

Maagang umuwi’t dumating ang mga MISTER …

Pati mga CHICKS ni SIR, ay nawalan na ng PODER;

Ang mga NIGHT CLUBS, BARS at NIGHT SPOTS – –

They can’t at this TIME operate, as all were asked to “CLOSE SHOPS”!  

pegasus

 

Pati ang TRAFFIC JAM, at ang usok na ITIM na sumusulasok sa LALAMUNAN…

Ay pawa pong nawala at ang mga kalsada’y medyo po LUMUWANG;

Ang alak po na sadyang NAKAKALASING – –

Pinagbawal pong TOTOO, upang mahigpit na matupad ang SOCIAL DISTANCING!

Subalit ang pinakamahusay na naging pong RESULTA’T KINAHINATNAN…

Mga tao po ngayo’y natuto pong magdasal araw-araw ng  TAIMTIM at MARAMIHAN;

Dahil nga sa COVID na PANDEMYANG nagdala ng TAKOT at SALOT – –

Na mayroon din nga naman palang magagandang NAIDULOT!

 

 

adversity-4

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s