FUN RHYME No. 366: BIRTHDAY GREETINGS UNTO MY SISTER WANDRA

 

wandra-navy-gear

[BIRTHDAY GIRL WANDRA, my cute and feisty sister is shown here garbed in a seeming military attire, as though intimating that she is BRAVE, COURAGEOUS and at times STERN. But deep in her heart, she is SOFT, FRAGILE and LOVING. That leg of a photobomber which sort of projected at the foreground is DAVE’s, WANDRA’s significant OTHER. WANDRA with her hubby DAVE and their TWO (2) children: DAVO and DANA, recently flew to SCOTLAND as DAVE’s mom got sick, but it would seem that DAVE’s mom is out of danger already. HAPPY BIRTHDAY DRA!]

 

Maligayang bati sa aming KAPATID na bunsong BABAE…

Siya ang isa sa aming mga PRINCESITA, at ang isa pa’y kanyang ATE;

Dalawa lamang silang babaeng naging anak ni DADDY at MOMMY – –

Pang-anim at pang-pito sila, kaya po kami ay DUMAMI!

wilma-solo

Dalawang tinuruan ng husto upang maging mahusay sa PAMAMAHAY…

Ang ATE niyang si WILMA, na magaling sa pagluluto at malamig din ang KAMAY – –

Malamig ang kamay, kaya nawiwiling magtanim ng mga HALAMAN – –

Subalit kung sa pagluluto pa rin, siya po ang tampok at NUMBER ONE!

Si WANDRA naman ay magaling sa larangan ng ARTISTRY…

Magaling sa INTERIOR DESIGN, at mahusay pang DUMISKARTE ;

Magaling din siyang tunay sa PAGDIDIBUHO – –

Kaya kapag ukol sa DEKORASYON, siya ang may ULO!

Scotland

Subalit nasa malayong paglalakbay si WANDRA NGAYON…

Nasa bansang SCOTLAND, at doo’y NAGLILIMAYON;

Sa mga MUSEO, sa LOCH NESS at saka sa  INVERNESS- –

Mukhang balak hulihin itong “mythical creature” na si NESS!

lochness

Sa MUSEO, ay mukhang nakakita na rin po SIYA…

Nang ma-iuuwi sa aking JAR, ‘sang pasalubong na magbibigay SAYA – –

Mukhang meron na siyang napupusuang SUKBITIN;

Dangkasi nga lang daw, maliit raw ang bulsa niya’t

baka ‘dili magkasya RIN!

vase-museum-scotland

Mukha ngang sa MUSEO’y may hinablot na nga SIYA…

Pumalpak lang ng kaunti, at ang FRAME ay BUMALANDRA;

Hindi naman siguro mapapag-kamalang KUKUNIN- –

Dahil ang hitsura ng PICTURE FRAME, ay maayos at “HANGING” pa RIN!

inverted-frame-wandra

HARRY POTTERISH nga ang mga gusali DOON…

Parang JAMES BOND movie scenes, nga daw ang mga siyudad at NAYON;

Pati ang OWL ni HARRY POTTER ay nakilala na NILA – –

Balak daw ng OWL na mangibang bayan at sa SCOTLAND ay SAWA NA!

owl-harry-potter

Maligaya at masaganang kaarawan sa iyo DRA…

Mukhang magtatagal pa kayo diyan sa iyong PAG-GAGALA at TRALALA;

Pag-nahuli mo na sa LOCH NESS yaang si NESSIE – –

Pa-picture ka agad kay DAVE o kahit na nga SELFIE!

MALIGAYANG KAARAWAN SAYO WANDRA!

 

wandra-family

“Co-latha breith sona”; that’s SCOTTISH-GAELIC which says: “GOOD WISHES FOR YOUR BIRTHDAY!”

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s