[For us to definitely eradicate this COVID PANDEMIC, we have to help our own government in this battle. This PANDEMIC which brought chaos and economic recession in the whole world is UNPRECEDENTED and UNFORESEEN. We have to work hand-in-hand towards our goal of an eventual triumph over this dreaded and incurable (as of now) affliction. The best that we could do is to help our government which is at the very forefront of this battle. I guess, we have no other choice at this very moment, as it is the only government that we’ve GOT.]
Bilang isang pamamanhikan sa lahat ng atin pong MAMAMAYAN…
Taos puso po natin at marubdob na PAKIKIUSAPAN;
Ang ating mga ka-anak at pati na ang atin pong mga KAIBIGAN – –
Na talos at nararapat po nating LINGAPIN ang atin pong PAMAHALAAN!
Ito pong PANDEMYA na idinulot po ng COVID…
Hindi naman po ang PAMAHALAAN ang siyang SUMABIT;
Ito po ay sakit na hanggang ngayon ay tunay na MISTERYO – –
Hindi po pa rin malaman kung ito ay NATURAL o ginawa ng TAO!
Wala pong BANSA ang tunay na NAKAPAGHANDA…
Mayaman mang BANSA, pati na rin ang MARALITA;
Disiplina po ang tunay na nating KAKAILANGANIN – –
Upang ang COVID-19 po, tuluyan tayong LISANIN!
Ang PANDEMYA pong ito ay “UNPRECEDENTED”…
‘Di po nakapaghanda kahit na nga ang US, at ang Gran Britanya, na isang KINGDOM na UNITED;
Pati ang ITALYA ngani, at pati na rin ang RUSSIA – –
Pati ang FRANCES, ang SINGAPORE at pati na rin ang INDIA!
Hindi rin po ito ang panahon nang PAGSISISIHAN…
Dapat po ay iwaksi po natin ang lahat ng IYAN;
Tumulong po tayo sa ating kaisa-isang GOBYERNO – –
Wala pong iba kung hindi ang syang pinangangasiwaan ng ating PANGULO!
Ang liderato po ng ating BANSA sa NGAYON…
Kailan po ng inyong PAGLINGAP at PAGTULONG;
“In our small ways; let us all support and HELP – –
“Let’s think of the common good and not just our own SELF.”!
Huwag po nating ikumpara ang BANSA natin sa IBA…
May mga bansang ang mga tao’y puspos na may DISIPLINA;
Meron din mga bansang, mayaman sa TEKNOLOHIYA – –
At may mga bansang di-kakapalan ang naninirahan sa teritoryo NILA!
Kaya nga po ang pagtuunan po nati’y DISIPLINA…
Pakisamahan at mag-bigay simpatiya sa mga MEDIKO at mga DOKTORA;
Pati na rin po sa lahat ng mga pagod nang mga “NURSES” – –
Lahat-lahat po ng mga FRONTLINERS at mga HOSPITAL WORKERS!