[President Joseph Ejercito Estrada was the country’s leader from 1998 to 2001. He was the 13th President of the Philippine REPUBLIC and was hailed as the CENTENNIAL PRESIDENT. His advocacy as champion and defender of the poor and the masses earned him the moniker: “ERAP PARA SA MAHIRAP”. President ERAP was particularly caring for the people of Tondo as he traced his roots from the same district of Manila. And he sort of found some affinity and fond affiliation with my friend DELFIN B. ALCORIZA who is a business leader in Tondo. Sometime in 2000, we (myself, my friend DELFIN B. ALCORIZA, and my dad-in-law ANTONIO EVANGELISYA aka ANTEVA) had an audience with President ERAP in his famed BORACAY MANSION. The factual antecedents to this FUN RHYME was earlier featured in a blog (in prose version), which I earlier wrote entitled “MY FRIEND DELFIN, ANTEVA and PRESIDENT ERAP ESTRADA”, which was similarly published in this BLOG SITE.]
Ako ay mayroong kuwento, ukol po kay former President ERAP…
Kwentong hindi naman malaswa, at hindi ukol sa mga bagay na KURAP;
Kasama ko dito ang kumpareng DELFIN ko na tunay na GUAPITO- –
Pati na rin ang aking BIYENAN na kinahiligang mag-ballroom sa CLUB FILIPINO!
Si Pareng DELFIN kasi ay nagkaroon ng malaking PROBLEMA…
Nahinto ang importasyon niya mula sa bansang AUSTRALIA;
Dangkasi’y ang kumpanya niyang DEALCO ang talagang NANGUNGUNA – –
Sa CATTLE IMPORTATION noon, dahil “TRUST” ng mga farms sa AUSSIE, kanya pong NAKUHA!
Napag-initan marahil ng siyang nakaupo noong SEKRETARYO…
Nagkaroon ng pulong, at para bagang nagka-BULILYASO;
Ipinahinto po pala ang issuance sa DEALCO ng IMPORT PERMIT – –
Siyempre po itong DEALCO, sa pag-aangkat ng BEEF ay NAIPIT!
Sa pamamagitan ng aking BIYENAN na amigo ni NUMBER ONE…
Yaon po yata ang security code na ayon sa balita ko, mula MALACAÑAN;
Nakipagtagpo po kami sa BORACAY MANSION, at hindi po sa SAN JUAN – –
Last minute INFO, hindi na sa POLK STREET- – derecho na po sa NUMBER KWAN!
Sa bilog na tila marmol na mesa, kami nag-KUMPOL…
Malayo kaming lahat sa mga kasamang SECURITY PEOPLE;
Napagitnaan ako ni ERAP at ni DELFIN, at katabi naman nitong si ERAP si ANTEVA – –
Si DELFIN naman ay nagsimula nang makipag-usap kay EX-PRESIDENT ESTRADA!
Ang swimming pool doon ay para ngang BORACAY…
Merong mga WHITE SANDS po sa kaniyang mga BAYBAY;
Nguni’t mabalasik nang kaunti ang PANIMULANG SALITA NI ERAP – –
Nagdaramdam, dahil may MEDIA PRESS RELEASES na lumabas, na ang D.A. daw ay medyo KURAP!
Subalit nang tumakbo nang na malayon ang amin pong USAPAN…
Na-sentro po ang USAPAN sa SABUNGAN sa SAN JUAN;
Ito po palang si DELFIN ay matagal nang SUKI DOON – –
Ang kakilala ni DELFIN ay kakilala din ni ERAP na noo’y sa SAN JUAN ang syang PANGINOON!
At napag-usapan ang isang nagngangalang MACAPAGAL…
Tanong ni ERAP, bakit hindi na nagpapakita YAAN;
Nasambit ni DELFIN: “nalulong po kasi sa sugal, sa inoman at sa PAMBABABAE” – –
“Ako ba’y pinatatamaan mo…”, bigkas ni ERAP, napakamot sa ulo si Pareng DELFIN, na nag-animo’y isang DYASKE!
AT NAGING MASAYA NA ANG USAPANG, NA NAPUNO NG HALAKHAK NA RUMEREPEKE!!!!