FUN RHYME SERIES 333: IF YOU WANT A BETTER PHILIPPINES, LET’S STOP THE FB BASHING AND NOT ACT LIKE PHILISTINES:

[Bashers at FaceBook are so many nowadays. But they are purportedly advocating their right to criticize and their right to freedom of expression. But ooops, they are also luring the military into a mutiny, a putsch, a coup d’etat…WOW, amidst this corona virus pandemic, they are sowing divisiveness and civil strife. ARE THESE POLITICAL ANIMALS, FILIPINOS?]

 

 

Let’s not be undisciplined and most of all, of being “PASAWAY”…

If you want to really raise our FLAG “at IWAGAYWAY”;

Walang maitutulong yang “hate campaign” ninyo laban sa ating PRESIDENTE – –

Matagal-tagal na rin naman at mukhang wala naman sa inyo’y tunay na KUMAKAMPI!

Dapat nating ipagdasal ang atin pong PANGULO…

Dahil wala naman iba pa na sa ating bansa’y NANGUNGULO;

Umusal tayo ng dasal at hindi po sana BATIKOS  – –

Ang hirap nga kasi, kayo’y puro KUSKOS-BALUNGOS!

Iinit lang ang ulo at pakiramdam NINYO…

Sasabog pati ang mga butse ninyo at pusong pang-KARINYO;

Maghunos dili na nga, mga uslak KAYO – –

Hindi naman talaga ninyo makukumbinsi, ang ARMY, ang PNP at si Secretary AÑO!

Nanunulsol pa nga kayo, mag-KUDETA sa GOBYERNO…

Para kayong banyaga, hindi ba kayo FILIPINO?;

Akala ko’y PINILI na at PININO pa KAYO – –

Mukhang magaspang pa rin ang mga mukha at diskarte  NINYO!

Hindi naman kasi kayo si Cardinal SIN, si CORY, RAMOS at ENRILE…

Sobra naman kayong ambisyoso kung ang isip nyo nga ay GANIRE;

Huwag nyo ring isiping ang “majority” ay panig sa INYO – –

Kung majority talaga kayo eh di dapat KUDETA na ngayon TAYO!

Ipinaglalaban ninyo nang sukdulan, wika ay FREEDOM…

Naku eh giyera na nga ang ating KINALALAGYAN;

Isantabi po muna natin yang mga FREEDOM, FREEDOM – –

Mga buhay po ng mga tao ang siya nating munang PANGALAGAAN!

Mistulang giyera ang nangyayari po sa ating bansang GILIW…

Kalaba’y lulan sa hangin , na may hihip at ALIWIW;

Ituon natin ang labanang ito against the corona VIRUS, ‘IGAN – –

Para kahit na paano’y masabi na kayo naman pala’y puro GENIUS NAMAN!

BOW!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s