[A group picture taken after a photo-shoot respite, during one of our badminton tournaments at the YOUNG BADMINTON COURT.]
Huwag pong kalilimutan na meron tayong USAPAN…
Lalaro ng badminton tuwing MWF, walang LILIBAN;
Kailangan nating lahat ito, para BLOOD CIRCULATION ay maging TAMPOK,
At dahil sa walang humpay na TAWANAN at KANTYAWAN, mapapalis din ang kunting LUNGKOT!
Si LAWRENCE dapat ay pigilan ang PAG-GIGIL…
Para naman ang laro tuloy-tuloy at hindi pulos na TITIGIL;
Ingatan ang pag-SERVE at huwag sanang MAGMADALI,
Kapag may magmamadali, ang daliri po’y ITATALI!
Huwag din sana si JOVY na malimit na MAGLULUNDAG…
Dahil ang shuttlecock ay maaring KUMAWAG;
Baka nga’t hindi pa itong matamaan nang SWAK,
O di nga ba ang hataw, ay magiging tunay na MASAKLAP!
Si ROSE na dating sa hampasan ay GUMALING…
Parang noong minsan ay mag-laro, si JOVY’y NAPAILING;
Naglaho yata ang dating galing ni RHODORA ROA,
Puro lumalampas sa raketa ang may pakpak na BOLA!
At si ELLA HADAP naman ay patuloy ang PAGIGING EKSPERTO…
Sa service ng BOLA mukhang TUNAY NA “CONSISTENTO”;
Pero ang problema ni ELLA ay kapag mataas ang HAMPAS,
Kelangan yatang dalhin ang “step ladder” para sya’y TUMAAS!
Itong si FE at si ALMER naman, yaong kanilang TAMBALAN….
Nag-mukhang buwaya itong kanyang simpatikong KATIPAN;
Si ALMER na animo’y gutom na gutom po sa HAMPASAN,
Para bagang sa DOUBLES na laro, lahat ng tira’y sya ang PAPASAN!
Uy, lalaro pala ang PELOTA KING, na si VIC CRUZ, NGAYON…
Mukhang nag secret-training at bumili ng shorts na may TAPON;
Kaya ang POTOTOY niya’y FULLY SHIELDED and COVERED…’CHOS KO ‘DAY,
Even if the shuttlecock makes a BULL’S EYE, the POTOTOY will never say DIE!