FUN RHYME SERIES 322: BADMINTON JOKES AND JOYS – PART 1

[At the YOUNG BADMINTON COURT during one of our badminton tourneys!]
Paglalaro ng badminton ay tunay na ka-iga-igaya…
Lalo na’t si Jovy’y paglalaro ay kayang-kaya na;
Nagumpisang di man lang halos maka-pag-“serve”,
Pero ngayon ang service nya’y para bagang “hors d’oeuvre”!

Si Rose naman na animo’y patpatin…
Malakas nang tumira pati mag-“drop” kaya din;
Pwede na talagang isali sa torneo,
Dati kasi kung tumira ay puro medyo-medyo!

Si Ella naman na most improved player…
Ang galing din mag-serve, ang cock mistulang flyer;
Para bagang ang bola’y sagitsit ang lipad,
Animo nga ito’y sa OUTSIDE papadpad!

Si Lawrence naman na masyadong GIGIL…
Kapag gigil talaga ay di mapipigil;
Kaya kapag si Lawrence ang syang kakampi mo,
Pitikin mo sa tenga para matutong mag-preno!

Si Bossing Vic naman na sanay sa pelota…
Dapat pag may laro meron syang peluka;
Dahil kapag sila’y nagtambalan ni Jovy,
Malamang masisilaw tayong lahat, at talo tayo palagi!

Si Jomar naman na may klase sa ARELLANO LAW…
Pwede lang maglaro kung mga classes ay suspendido;
Kaya ating na-mi-miss tuloy ang kanyang “back-move pass”,
Gayang-Gaya na rin naman ni Jovy medyo kulang lang ng paspas!

Pero bago ko tapusin ang tula na ito…
Kumustahin natin ang pototoy, of course, you know who;
Para bagang na-mi-miss na rin natin ito,
Siguro’y itinago, inipit ng martilyo!