[Here’s a photo of LITO LUTUC with ALMER TOBIAS to his RIGHT. Their badminton playing TANDEM won the 2nd PRIZE in the recently held YOUNG LAW FIRM BADMINTON TOURNEY on August 9, 2019. LITO aka THOLITZ, is one of the Paralegal Assistants/Liaison Assistants/Messenger of the YOUNG LAW FIRM. ]
Itong si LITO LUTUC na taga KALINGA-APAYAO…
Kapag inuman ng BEER ay hindi talaga UMAAYAW;
Halos magdugo nga ang kanyang ILONG,
Panay ang INGLES, wari ba’y KANO na ang “height” ay “LONG”!
At tunay pong si LITO ay sadyang MAANGAS…
Kapag nasisita ng traffic enforcer, ay PUMIPIGLAS;
Para bagang si Manny PACQUIAO, na taguri’y PACMAN—
Gustong awayin kahit “enforcer” ay mas malaki ang KATAWAN!
At si LITO ay binata pa ring TARING…
Naghahanap ng syota, bibigyan ng wedding RING;
Tuwing dumarating po ang TAKIP-SILIM,
Gustong lumagok ng BEER na medyo SLIM!
Former classmates sila ni Attorney REVILLA…
Sa may mini-bakery na katabi ng OFICINA;
Cum laude silang na itinanghal PAREHO,
Kahit “standing position”, tagay pa din ang TANGGERO!
Habulin din ng chicks itong si LITO….
Dahil noong bata pa’y nagtaboy ng GRUPO;
GRUPO ng inahin at kanyang mga SISIW,
Hinabol tuloy siya ng HEN, dahil kumain ng PAKSIW!
Kumain si LITO ng paksiw, at talagang NASARAPAN…
Tumilapon ang kanin sa kanyang HARAPAN;
Natirang mumo sa kanyang KAMISETA,
Gustong tukain ng HEN, na nagutom na pong TALAGA!
Ngayong BIRTHDAY mo LITO LUTUC na ala-PACMAN…
Dapat huwag nang maging tuwinang mahilig sa INUMAN;
Kung maliit-liit pa po ang inyong KUMOT,
Wag munang maghanap ng BEER na palagiang NILALAGOK!
At baka dahil sa MOTORSIKLO, ulo mo’y MABAGOK…
At WEDDING RING na hinanda, tuluyan pong MABUGOK!