[Here’s an enlarged version of the TIN ID card of my sister WANDRA aka WANDRA YOUNG-HERON. Her birthday is TODAY and she and her family will soon relocate from their present LA MAREA home to PORTOFINO SUBDIVISION in Las Piñas, Metro-Manila. Wandra is happily married to my handsomest brother-in-law, DAVID HERON. HAPPY BIRTHDAY WANDRA!]
Maligayang kaarawan sa iyo WAN…
DRA ang kadugtong ng kanyang buong NGALAN;
WANDRA ang siya naman pong KABUUAN,
Pero kapag nagalit, para kang sinuntok ng BUWAN!
Buwan ng AGOSTO nang siya’y ISINILANG…
Akala ko nga’y pumutok ang aming KALAN;
Biglang may sumabog, parang may PUMUTOK—
Yaon pala nama’y TWENTY-ONE GUN SALUTE!
Dumating nga pala si Pangulong MACAPAGAL…
Piyesta opisyal ang araw na DUMATAL;
Kaarawan din iyon, ni QUEZON, isang SIKAT NA TAO,
Pag-galit si WANDRA, pwede syang SUMAPAK ng GAGO!
Sa CAMP MURPHY yong pumutok ang KANYON…
CAMP AGUINALDO na ang tawag NGAYON;
Merong PARADA, namigay pa nga ng ENSAYMADA,
Ang mga HENERAL nakaporma’t NAKAPAMADA!
Kaya siguro itong si WANDRA ay tunay na TUMAPANG…
Mga HENERAL pala noo’y nagpulong sa CAMP;
PUMUTOK pa nga at saka SUMABOG,
Para bagang WAR MOVIE, na kasama si OG!
Kaya tanggapin mo ang mga PAGBATI…
Mula sa mga kaanak pati hindi natin KALIPI;
Pagbati mula sa inyong magiging BAYAN,
Sa dakong LAS PIÑAS na syang iyong magiging TIRAHAN!
Mula sa LAS PIÑAS na iyong magiging BAYAN…
Ay bumababati ang iyong KASABAYAN;
KASABAYAN mo sa mga HALAKHAKAN,
Si LYNNETTE na magiging iyong KABABAYAN!
Sa totoo ay napakasayang KASAMA…
Itong aming kapatid na si WONDER WANDRA;
Kung TYPE mong mamintas ng mga dispalinghadong TAO,
Pwedeng mag-istambay sa MALL, at PAREHO kayong magiging GANADO!
MALIGAYANG KAARAWAN DRA…
PAGBATI SA KAPATID KONG TUNAY NA MAGANDA,
HUWAG NAMAN SANANG MAGALIT SI WILMA…
NA ANG GANDA DIN NAMAN AY BUMABANDERA!!!!