FUN RHYME SERIES 308 – YOUNG LAW FIRM BADMINTON TOURNEY; KAMPION ANG TAMBALANG JOMAR-STRAWBERRY

 

badminton-tourney

 

Pinakita talagang ang mas bata ay LAMANG…

Siyempre kapag bata, maliksi at MATAPANG;

Hindi takot na tumakbo’t MAPILAYAN,

Katulad ng DYATANG, may rayuma sa KALAMNAN!

jomar-kirsten

Syempre ang lumahok na pinakabatang TAMBALAN,

Si JOMAR na POGI at si KIRSTEN na timyas ang KARIKTAN;

Si KIRSTEN ay angkop na binansagang STRAWBERRY…

Mas angkop daw ang bansag, wika ni ATTORNEY JOVY!

Pero ang SUMEGUNDA sa aming PALARO…

Aba’y ang tambalang si ALMER at si LITONG MADURO;

Kaya noong dumatal na ang maigting na CHAMPIONSHIP ROUND…

Angas ni LITO sa COURT, parang nawala at na-DOWN!  

 

almer-award

Aba eh, naka-THIRD PLACE naman KAMI…

Ako at si LAWRENCE na ang “SMASH” ay MATINDI;

At ang 4th PLACER namang ITINANGHAL at NAGWAGI,

Tambalang LYNNETTE-GARY, na  

“DROP SHOT” ang syang ITINUNGGALI!

 

At ang naging FIFTH PLACER sa BADMINTON TOURNEY…

Si CONDER at VIC na parehong ATTORNEY;

Kahit nga naman may konting KATANDAAN,

Aba’y matikas pa din, minsan nga’y LUMAMANG!

conder-vic

Ang TAMBALANG si ROSE at si NOLI…

Akala ko’y mga “DROPSHOT” ni NOLI’y REREPEKE;

Pero para bagang KINAKAPOS ang HAMPAS,

Kaya ang SHUTTLECOCK malamya ang naging PAGASPAS!

 

rose-noli

jomar-kirsten-playing

Si ATTORNEY JOVY naman at si FE…

Hindi rin DUMAMA at ni hindi RUMEPEKE;

Pero masaya na rin itong si ATTORNEY JOVY,

Blood sugar daw nya’y tunay nang OKEY-na-OKEY!

rose-lyn-playing

 

At  ang lumabas na KAMOTE’T KALABASA…

Ay ang cute na si ELLA at ang eleganteng si DONNA;

Pero mukha yatang may kaunting “COURT FRIGHT”,

Di matamaan ang pataas na COCK, mukha ang dalawa’y medyo kulang sa HEIGHT!

kalabasa

Subalit ang sigaw, tawa, halakhak, lundag at TALON…

Yan ang pinakamagandang dinulot ng palaro naming BADMINTON;

Babawi daw ang tambalang DONNA at ELLA, sa sunod na PAGKAKATAON…

Dala ang ‘HUGE” KALABASANG isisilid sa malaking KARTON!

group-photo-tourney-080919

Leave a Reply