Ang pulong na idadaos sa AGOSTO DIEZ Y SIETE,
Magbibigay daan upang mapagusapan mga DEPOSITS NA NA-I-TALLY;
Kung tayo ba’y tunay at SIGURADO nang MATUTULOY,
O ang DOWN PAYMENT natin ay mapapahantong po sa FORFEITURE!
Sana naman tayong lahat po ay maging HELPFUL…
An ABORTED REUNION will be OH SOOOO AWFUL;
Nakakahiya at talagang DYAHE po naman sa madlang PEOPLE,
Si LEN RAMOS tuloy ay tinubuan na po ng kambal na PIMPLE!
At pati si poging BOSSING DANTE CRISOSTOMO…
Nalulungkot at tunay na pong NAABURIDO;
Dumadami tuloy ang kanyang BALAKUBAK,
Stressed NA, NATALO pa yata sa MAHJONG, nadale ng BACK-TO-BACK!
Naku pati si BIG BOSS PETER YAP…
Ayaw na yata talagang MAG-PA-AWAT;
Sasagutin na raw niya ang lahat ng GASTOS,
Pero si BOSSING BENG, ang sabi’y “WAG NAMAN BOSS”!
Subalit si BOSS BENG ay so VERY POSITIVE…
Mukhang sa totoo’y sa kanya galing ang INITIATIVE;
“Para naman kayo’y hindi mga PINOY”, wika NIYA…
“Deadline DATE ang gusto ng mga yan…”, HAAY KAPOY!
Okey…gawin na nating DEADLINE bukas ng UMAGA;
Pero ang mukha ni MALDO ay para bagang NAMUMUSARGA…
Dadalhin niya yata ang lahat ng kanyang FAMILY,
Pwede sigurong bigyan po natin siya ng DISCOUNT na TWENTY!
Si BOSS CHRIS DOBLES naman ay panay ang EXERCISE…
Kasi nga’y may meeting uli at gusto nyang “to look so very NICE”;
Hindi na raw siya hihingalin sa pagdalo sa meeting at pag-akyat ng STAIRS,
He’ll do a SPRINT and will dare MALDO to run up the stairs in PAIRS!
At ang korona po na ipuputong natin sa atin pong DANCING QUEEN,
Naku, kung ABORTED ‘di hindi na talaga matutuloy ang CORONATION;
Magiging napakalungkot at wala din pati si MR. BEAN,
“We might all be thrown by TOBY, THE DEVIL…into INFERNAL DAMNATION”!