FUN  RHYME  SERIES 290: BADMINTON “BLUES” AND “HIGH”, ANG TAMAAN ‘WAG AARAY!

 

 

BADMINTON-PARAPHERNALIA

 

 

 

badminton-photo-group-old

 

Magandang araw po sa inyong LAHAT….

Dahil tayo naman ay magkakasama sa isang PANGKAT;

Dapat na nga nating gawing REGULAR ang laro na syang SWAK,

At ito ngang BADMINTON ang tingin ko’y PINAKATUMPAK!

 

badminton-best

 

Sandaang hakbang po talaga LAMANG…

Mula sa ating lugar at TANGGAPAN;

Wala pa po nga itong mga FEES o BAYAD,

At ang LARO naman natin ay BANAYAD na BANAYAD!

 

 

badminton-fun

 

 

Sayang na sayang kong hindi nating gawing REGULAR…

Wala namang ibang gumagamit , SO FAR;

Yong iba ngang mga dumadayong NAGLALARO…

Galing pa nga sa kabundukan at mga lugar na MALALAYO!

 

mountain-from-afar

 

Tunay na ang BADMINTON ay isang angkop na LARO…

Na puno at matimyas sa kalusugang TURO;

Nakakasigaw ka, may halakhak at tawa PA,

Puwede ngang maglaro kahit sa hapon o UMAGA!

 

 

playing-badminton 

 

Pero ang iba’y isip na ang BADMINTON ay MAHIRAP…

Mas gusto na nga lang nila’y MAGPASARAP-SARAP;

Parang ayaw ng gumalaw at magyugyog ng KATAWAN,

At ang iba naman’y napahilig sa KATAKAWAN!

 

 

 

May KATAKAWAN sa TULOG, meron din sa PAGKAIN…

Pero dapat ang KALUSUGAN and syang unang  IISIPIN;

Kung gusto nyong sa KATAWA’Y matanggal ang TOXIN,

Magpapawis tuwina at mga TOXIN’y PAPALISIN!

 

 

10-badminton-health-benefits

 

Ang sabi nga kasi ng mga health expert TALAGA…

Yaong paghingal at pagdatal ng halos kapos  ang HININGA;

Yon ay malaking tulong sa CARDIO-VASCULAR HEALTH,

‘Cos if you’re healthy sans ills,you’ll preserve your WEALTH!

badminton-reflexes

 

 

Ang REFLEXES pati sa laro ay NAPAUUNLAD,

Kaya mas alerto ka at ‘di ka KUKUPAD-KUPAD…

Magiging tunay na SLIM ka pa nga RIN,

Pero bakit nga ba si DONNA ay ganun pa DIN!

 

 

Dapat palagiang tayo ay PAWISAN…

Para TOXIN sa katawan ay tunay na mag-ALISAN;

At maging HEALTHY tayo “and with no GOUT”, 

Huwag lang kasing lusog ni DONNA BALAGOUT!

 

gout

 

Ito namang si ROSE ROA KASI…

Ayaw na yatang mag-PLAYING SPREE…

Palagiang ginagamit na dahil ay ang PERIOD;

Eh hindi naman sa mga laro na sya’y tunay na KUMAKAYOD!

 

ROSE-BEER-PHOTO

 

Pati mata mo ay NA-E-EXERCISE…

Pupungay ang mata mo at ika’y magiging WISE;

Syempre kapag tumira ka ng kakaibang DROP SHOT,

“ANG  GALING”, wika ni Atty. JOVY, o di tingin sayo’y isa kang BIG SHOT!

 

LITO-ALMER-PHOTO 

 

Ito namang Paralegal naming si LITO LUTUC…

Dahil minsan nang naging CHAMPION, that’s the TRUTH…

Aba’y ayaw nang maki-pag-PLAY and PLAY;

Dahil CHAMP na daw siya, “he’ll only PLAY with PAY”!

badminton-hand-eye-coordination 

 

Paano nga naman ba ginagawa ang DROP SHOT…

Dapat huwag mong paluin ng malakas na parang “CANDY POT”;

Pipitikin lamang at medya-medya ang HAMPAS,

Pero dapat ang bola’y sa NET ay LUMAMPAS!

 

dropshot

 

Dapat tuwing laro ay may konting WARM-UP…

‘Di na kailangan pang uminom ng SEVEN-UP;

Pero dapat din ay may konting STRATEGIZING,

Para walang magkatamaan habang nag-ple-PLAYING!

 

warm-up exercise

sportsmanship

 

Hindi din pwede ang mag-KAKAPIKONAN…

Kapag titira ng ‘di talaga sayo, dapat sumigaw ka ng “MINE”;

Huwag ding maging matakaw sa pagpalo ng BOLA,

Yong kanya ay kanya, huwag ikaw KUKUHA!

 

 

MINE

 

Dapat sa umpisa ay  may division of COURT NA,

Sa harap o likod, sa kanan o kaliwa PA;

Kapag hindi talaga dumatal ang BOLA sa TERITORYO MO…

Huwag maging BUWAYA at BUTIKI lang naman TAYO!

 

 

adlao

 

Maglaro uli tayo ng BADMINTON sa mga susunod na ARAW,

Mukhang sasama na ang classmate kong si ADLAO;

Siyempre gusto niya na ring maging “truly physically FIT”,

Basta huwag lang yong laro o labanang MAHIGPIT!

 

badminton-grabe 

 

Kung mahigpitan kasi ang LABANAN,

Madaling hingalin at malakas ang HAMPASAN…

Magiging mahirap na rin dahil rally’y TULOY-TULOY,

Baka mapalo pati ang kanyang cute na POTOTOY!

 

 

POTOTOY 

AT BAKA SIYA MAPASIGAW,

NAKUPO…ARAGUUUY!!!!

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s