FUN  RHYME  SERIES 289:  ROGER’S SILOG HOUSE, PATOK SA BINANGONAN!

 [My law partner ATTY. EUFRACIO C. PAGUNURAN who went for  a vacation in his hometown in PIAT, CAGAYAN asked me to pitch-in for him, anent a criminal case which is pending in BINANGONAN. I gladly agreed to his request to attend its court hearing, as going out  of the metropolis, would at most times be relaxing  and it affords the traveler to have a look-see on the town’s staple products and/or delicacies. And so, I even discovered a simple but nice dining venue.]

 

Mabuti na lang at pinakiusapan ako ni Attorney CONDER…

Na ako ang mag-attend ng hearing niya sa may EASTERN BORDER;

Sa bayan ng BINANGONAN na sakop ng RIZAL,

Masarap daw tangi doon ang kape’t PAN DE SAL!

 

roger's-frontage 

 

Dangkasi nga naman ay DINAGLAT PALA…

Yong pangalan nung tinapay na may itlog na PULA;

Kaya ang pangalang na tuluyang naging BANTOG…

Ay dili’t iba kundi ang bansag na “PAKAPLOG”!

 

 

pakaplog

 

Huwag po naman kayong magiisip ng MASAMA…

PAn de sal, KAPe at itLOG…yan po ang TAMA;

Kasi ay dapat nga naman pong DAGLATIN,

Kasi sa haba ng ngalan, ay baka mahirap sa MENU ma-I-“WRITING”!

 

 

roger's-top-silog 

 

 

Pero ang EXCITING na aking na-“DISCOVER”;

Kasi nga’y nasa PIAT, CAGAYAN pa itong si Attorney CONDER,

Yaong lugar na kung tawagi’y ROGER’S SILOG HOUSE RESTO…

Kainan po ito sa Kalye Baltazar, katabi po ng BANGKO!

 

 

roger's -budbod-grande 

 

Maaga kami  ni Drayber LITO na dumating sa JUSTICE HALL,

Pero ang gutom ko ay “CALL” na ng “CALL”;

Wika ko nga kay LITO, “hanap tayo ng MAKAKAINAN”,

Para ang aking sikmura’t tiyan ay medyo TUMAHAN!

 

 

petron 

 

Nagtanong kami sa may malapit na GASOLINAHAN…

Aba’y ang bilis ng sagot nung GASOLINE BOY na mukhang DYATAN;

“Diyan po sa ROGER’S”, ang daglian nyang SAGOT,

Paspas kami ni LITO sa kalyeng pa-BALU-BALUKTOT!

 

 

roger's-silog-menu

 

At amin ngang nasumpungan ang nasabi pong KAINAN…

Pero ang sabi ay alas dyes medya pa daw BUBUKSAN;

Mabuti na lamang at mabait itong si MICHELLE,

Serbidora syang malusog,  na isang “MADEMOISELLE”!

 

Binangonan,Rizal 

 

At natikman namin po ang kanilang CRISPY LECHON KAWALI…

Makakalimutan ko daw ang palayaw kong : “WALLY”;

Yong BUDBOD NA TAPA-masarap din PALA,

Yong CRISPY KARE-KARE nila ay mas MASARAP PA!

 

roger's-customers

 

Kaya kong kayo po’y mapapagawi sa bayan ng BINANGONAN,

Huwag na huwag po sana ninyong MAKAKALIGTAAN;

ROGER’S SILOG HOUSE po ang NAME ng nasabing RESTO…

Masarap na pagkain, malinis at mura pa po ang PRESYO!

 

 

roger's-staff-with me

Leave a Reply