[KINATHA KO PO ANG ODANG ITO BILANG PAGSASALIN NG BUOD NG BIOGRAPIKONG-AKLAT NA NAISULAT SA WIKANG INGLES AT PINAMAGATANG: FOREVER YOUNG: A WALK THROUGH THE LIFE OF MAXIMO PURISIMA YOUNG,NA AKING DING INAKDA. ITONG SERYE PO NG ODA PONG ITO AY BILANG PASASALAMAT SA PAGKAKAHALAL NG AMING ITAY BILANG PANGULO NG PHILIPPINE EXPEDITIONARY FORCE TO KOREA VETERANS’ ASSOCIATION, INC. (“PVAI”), ISANG SAMAHAN NG MGA BETERANONG LUMAHOK AT LUMABAN PARA SA IKATATAGUMPAY NG DEMOKRASYA NOONG PUMUTOK ANG KOREAN WAR NOONG IKA-25 NG HUNYO 1950. ITO PO AY ISANG MALAKING PASASALAMAT DAHIL BILANG NAKAMULATANG TRADISYON SA PVAI, ANG PAG-KA-PANGULO PO NG PVAI AY TAGURING INIRERESERBA LAMANG SA MGA OPISYAL NG MILITAR NA LUMAHOK SA KOREAN WAR NA NAG-TAPOS SA PHILIPPINE MILITARY ACADEMY.]
Dumating sa Korea subalit napakalamig dahil sa YELO;
Winter clothing sa kanila’y, mukhang ‘di naisama sa PLANO!
Kaya silang lahat ay nanginginig pati BUTO—
Sinipingan pati sila sa TENT ng mga AHAS, haba’y isang METRO!
Ang Commander nilang Col. Azurin ang NGALAN,
Talagang sila’y pinrotektahan at IPINAGLABAN…
Inaway halos ang U.S. Commanding GENERAL…
Kailangan ng mga sundalong Pinoy ang clothing na THERMAL!
Dahil sa pakikipag-away ni Col. Azurin sa Heneral na KANO,
Nireklamong “insubordination” ang away KUNO…
Na-relieve tuloy itong si Col. AZURIN,
Pumalit si Col. Ojeda na PMAYEER DIN!
At noon lamang sila nakatikim ng THERMAL,
Dati’y gabi-gabi silang giniginaw at NANGANGATAL…
Mabuti na lamang at sila’y PINAGLABAN…
Kung hindi talaga’y sakit ang dudulot sa TANAN!
Paggising sa umaga’y may kasiping pang AHAS,
Dahil galit pa rin ang Kano, sa open area sila muna INILIKAS!
Marami-rami din sa kanilang nakagat ng ULUPONG,
Buti na lang ay may alam sa first aid si DONG;
Kaya’t pangkaraniwang tanawin sa umaga sa area NILA,
Naghahagisan ng ahas, pati mga cobra TILA;
Kung siguro’y tiyak nilang “edible” ang mga ahas na BUMABALANDRA…
Malamang ito’y iluluto nilang parang TINOLA!
At ang unang labanang naging sikat ang 10th BCT,
Ay sa Battle of MIUDONG, kung saan sila’y RUMEPEKE;
Inambush sila ng mga NORTH KOREAN FORCES,
Na-sorpresa sila, habang mga KOREANONG PULA, humihiyaw ang BOSES!
Sinilip ni ITAY mula sa kanyang PERISCOPE LENS,
Lugar ng mga NOKOR forces na patuloy ang OFFENSE;
At mula sa loob na kinalulunanan nyang tangke de GIYERA,
Lumabas si ITAY , nagdasal KAPAGDAKA!
Hinalbot niya ang “machine gun” sa ibabaw ng TANGKE,
Pinaulanan ng bala ang mga kalabang DOBLE-DOBLE;
Sa lakas ng putok ng machine gun, ramdam ni ITAY na sila’y NAHINTAKUTAN…
Ang mga kalabang komunista dagling NAGTAKBUHAN!
Patuloy pa ring rumatatat ang MACHINE GUN,
Sa kaliwa, sa dulo; pati sa KANAN;
Matapos humupa ang alikabok At PULBURA…
Apat na po’t dalawang NOKOR soldiers ay patay, takbuhan ang NATIRA!