[KINATHA KO PO ANG ODANG ITO BILANG PAGSASALIN NG BUOD NG BIOGRAPIKONG – AKLAT NA NAISULAT SA WIKANG INGLES AT PINAMAGATANG: FOREVER YOUNG: A WALK THROUGH THE LIFE OF MAXIMO PURISIMA YOUNG,NA AKING DING INAKDA. ITONG SERYE PO NG ODA PONG ITO AY BILANG PASASALAMAT SA PAGKAKAHALAL NG AMING ITAY BILANG PANGULO NG PHILIPPINE EXPEDITIONARY FORCE TO KOREA VETERANS’ ASSOCIATION, INC. (“PVAI”), ISANG SAMAHAN NG MGA BETERANONG LUMAHOK AT LUMABAN PARA SA IKATATAGUMPAY NG DEMOKRASYA NOONG PUMUTOK ANG KOREAN WAR NOONG IKA-25 NG HUNYO 1950. ITO PO AY ISANG MALAKING PASASALAMAT DAHIL BILANG NAKAMULATANG TRADISYON SA PVAI, ANG PAG-KA-PANGULO PO NG PVAI AY TAGURING INIRERESERBA LAMANG SA MGA OPISYAL NG MILITAR NA LUMAHOK SA KOREAN WAR NA NAG-TAPOS SA PHILIPPINE MILITARY ACADEMY.]
Noon namang sumiklab ang Digmaan sa BANSANG KOREA,
Ay katatapos lang ni Tatay maglakbay upang aral ay UMARYA;
Sa FORT KNOX sa Estados Unidos siya’y NAPADPAD,
Pinagaralan ng husto ang tangke de giyera, para ‘di ito SUMADSAD!
Nanguna siya sa isang EKSAMINASYON,
Pero mga katunggali nya’y naghain ng PETISYON;
Di daw dapat si Maximo’y IPADALA,
Mas may pinag-aralan daw po SILA!
Pinulong sila ng isang matikas at iginagalang na KORONEL,
Dahil lahat sila’y pumirma sa isinulat na liham, PETITION ang “LABEL”;
Second year high school lang daw kasi ang si ITAY ay TINAPOS,
Dapat daw ang paglalakbay ni ITAY ay mistulang IGAPOS!
Nagwawala na halos, at tunay na mga reklamador SILA,
Gusto ng bawat isa’y makapunta ng AMERIKA;
Dapat ay isang “high school grad” daw ang MAIPADALA,
Mas maigi daw kung “college graduate” PA!
Nagsalita sa pinatawag na pulong si Koronel MARCOS SOLIMAN,
Pinagsabihang silang lahat ay di dapat MAKIALAM;
Ang resulta ng eksaminasyon ay dapat na IGALANG…
Sabi nya’y: “Lahat kayong reklamador, mukhang mga KULANG-KULANG!”
Sa FORT KNOX ay nakilala ni Tatay isang Kanong OPISYAL,
Tutulungan daw syang sa COLLEGE ay makapag-ARAL,
Dangkasi’y meron sila sa U.S. ng natatanging “SPECIAL TEST”,
Kapag naipasa’y pwede nang sa COLLEGE ay mag-ENLIST!
At naipasa nga po ang SPECIAL TEST ng aking TATAY,
Aba’y nang malaman, Inang ko’y halos HINIMATAY;
Ang pangarap ni ITAY na maging “COLLEGE GRAD”,
Mukhang ito’y, sa wakas ay tunay na MATUTUPAD!
Subalit ang pangarap ni ITAY ay NAUNSYAMI,
Kulang daw ang eksaminasyon na syang NAPILI;
Wala daw kasing Philippine HISTORY at GEOGRAPHY,
Sabi ng ating Director of Public Schools, sya’y “VERY SORRY”!

Kaya’t sa pagdating ni Tatay sa PINAS, balita ukol sa KOREAN WAR ay LUMABAS—
Naghanda sa paglalakbay agad, kailangang tumulong…bilis at PAGASPAS…
Ang UNITED NATIONS SECURITY COUNCIL ay nagkaroon ng PULONG,
Ang 10th BCT, ay dapat SUMULONG upang ito’y MAKATULONG!