[KINATHA KO PO ANG ODANG ITO BILANG PAGSASALIN NG BUOD NG BIOGRAPIKONG-AKLAT NA NAISULAT SA WIKANG INGLES AT PINAMAGATANG: FOREVER YOUNG: A WALK THROUGH THE LIFE OF MAXIMO PURISIMA YOUNG,NA AKING DING INAKDA. ITONG SERYE PO NG ODA PONG ITO AY BILANG PASASALAMAT SA PAGKAKAHALAL NG AMING ITAY BILANG PANGULO NG PHILIPPINE EXPEDITIONARY FORCE TO KOREA VETERANS’ ASSOCIATION, INC. (“PVAI”), ISANG SAMAHAN NG MGA BETERANONG LUMAHOK AT LUMABAN PARA SA IKATATAGUMPAY NG DEMOKRASYA NOONG PUMUTOK ANG KOREAN WAR NOONG IKA-25 NG HUNYO 1950. ITO PO AY ISANG MALAKING PASASALAMAT DAHIL BILANG NAKAMULATANG TRADISYON SA PVAI, ANG PAG-KA-PANGULO PO NG PVAI AY TAGURING INIRERESERBA LAMANG SA MGA OPISYAL NG MILITAR NA LUMAHOK SA KOREAN WAR NA NAG-TAPOS SA PHILIPPINE MILITARY ACADEMY.]
Nagkataong kay Tatay ay may nagpaswit ng TSISMIS,
Binigay ang pangalan pati ang naturang ADDRESS;
Hinanap ni Tatay ang sinasabing TIRAHAN,
Tagumpay nyang nakita, naku nagka-DRAMAHAN!
Niyapos agad ni Tatay ang AMA nyang TUMAMBAD,
Naging prangka si Lolo William, “and it was very SAD”;
Takot pala itong si Lolo William sa ASAWA…
Kaya’t ang sabi nya: “it’s time to go, so sorry my KIDDAH!”
At tuluyang naglayas na nga si TATAY,
Hindi na bumalik kay Lola GENIA sa kanilang BAHAY;
Kung saan saan si Tatay SIMO ay NAPADPAD …
Isip at gunita nya’y para bagang LUMILIPAD!
Matapos mamuhay na parang BAGABONDO,
Halos ayaw nang mabuhay pa sa’ting MUNDO…
Mabuti nga at may mabuting taong NAGHIKAYAT,
Naging shipping clerk siya sa barkong NAGLALAYAG!
Sa MV Legaspi nga sya ay NANUNGKULAN,
Kumikita na sya ng sahod na tingin nya’y MAINAM…
Di na naisip pang magsunog ng kilay sa PAG-AARAL…
Buong akala nya’y trabaho nya’y pangmatagalang BALABAL!
At pumutok nga po ang Pangalawang Guerra MUNDIAL,
Lahat ng barko sa bansa’y na DIDAL;
Kinumander po ng Estados UNIDOS…
Naging sundalong USAFFE si ITAY, sa gulo’y NADALUSDOS!
At ang mithiing-misyon na sa kanila’y INIATANG,
Maghatid ng supplies, pagkain at SANDATAHAN…
Para kapabilidad ng mga sundalong LUMALABAN…
Sa mga Hapones, ay lalong MATIBAYAN!
Nasukol isang araw ang barko NILA,
Habang mga Hapones binobomba ang MAYNILA;
Napilitan silang tuluyang SUMUKO,
Barko nila’y nasunog, nahagip ng bomba bago MAKALIKO!
Sa kanyang kabayanihang ipinakita sa DIGMAAN…
Si ITAY ay ginawaran ng medalyang parang PANG-MAYAMAN;
Aba’y SILVER STAR MEDAL ang iginawad sa kay ITAY,
Gawad sa kanya, pagkilala sa pakikipaglabang halos kanyang IKINAMATAY!