[His EXCELLENCY AMBASSADOR HAN DONG MAN was the GUEST OF HONOR and SPEAKER during the COMMEMORATION of the 69th ANNIVERSARY of the KOREAN WAR at RITES held at the LIBINGAN NG MGA BAYANI particularly at the KOREAN WAR MEMORIAL PYLON yesterday, June 24, 2019.]
Masayang-masaya ang EMBAHADOR ng SOUTH KOREA…
Dahil siya ang itinanghal na GUEST OF HONOR sa PASINAYA;
Ang unang napiling PANGUNAHING PANG-DANGAL KASI,
Ay ang CHIEF OF STAFF o CS, ng AFP!
Subalit ang CS ay may gampaning takda sa labas ng BANSA…
Kaya nagkaroon sa PROGRAMA nang pag-BALASA;
Kaya tuloy noong bigkasin ng butihin EMBAHADOR ang TALUMPATI.
Aba’y abot hanggang tainga ang kanya pong NGITI!
At nang siya nga po ay NAGSALITA…
Lahat halos ay tunay na NAPAMANGHA;
Hindi lang isang salita ang binigkas na TAGALOG,
Dibdib ko tuloy ay KUMABOG-KABOG!
Ako po’y talagang NAHINTAKUTAN…
Baka magkamali sa pagbigkas si Sir HAN DONG MAN;
Naalala ko kasi sa isang malaking PARTY NOON,
May isang estranghero po ang hindi nag-ATUBILI DOON!
Ang hindi pag-ATUBILI nung yaon pong ESTRANGHERO…
Ay ukol sa pagbigkas ng PAGBATI nating TOTOO;
“MABUHAY kayong lahat”, ang dapat na SABIHIN,
Subalit nawala ang “Y”, at nagkaroon ng DIIN!
Nabaligtad pa din ang “A” at “U”…
Kaya noong binaybay ay naging “MABAHU”;
Nakangiti pang binanggit ang nasabing PAGBATI,
Naku… “MABAHU KAYONG LAHAT” ang kanyang NA-ISULTI!
Pero, si EMBAHADOR ay tunay na MAINGAT…
Bigkas nya sa salitang-Tagalog ay sadyang LEKAT;
Tunay na siya’y INGAT na INGAT…
Ang galing ng dating, palakpakan ang LAHAT!
At nang dumating na po sa punto nang KAINAN…
Aba si SIR HAN DONG MAN, ay masaya na NAMAN;
Narinig niya kasi ang paborito nyang AWITIN,
Ang “ANAK” ni FLORANTE, tunay na awiting ANGKIN!
Nabanggit ng iba bakit ang GALING ni SIR…
Sa pagbigkas ng Tagalog animo’y FILIPINO TEACHER,
Aking tuloy biniro si Sir HAN DONG MAN, THRU A WHISPER—
“Do you have a PINAY GF as your Tagalog TUTOR?”