FUN RHYME SERIES 272: ANG NAPIPINTONG GRAND REUNION NG ALLIEDBANKERS GROUP-PART 7

kattie-teng-tourney

 

 

Gandang umaga  po sa inyong LAHAT!

Upang iwas sakit dapat tayo’y MAGPAPAYAT;

Laro tayo ng BADMINTON, tayong MAGKAKASAPAKAT—

Para DIABETES po ay tuluyan nating MAWARAT!

 

 

Akin pong nawawari, upang may PASAKALYE…

Magkaroon kaya tayo ng BADMINTON TOURNEY;

Preliminary po ito sa ating GRAND REUNION…

Meron tayong VENUE, at ito’y FREE TUITION!

 

 

 

Kasi nga ang sabi nitong si Bossing  DANTE…

Ang REUNION ang sya pong talagang IMPORTANTE;

O, di magkakaroon tayo ng PALIGSAHAN MUNA;

Sa BADMINTON COURT namin  tayo unang MAGKIKITA!

 

 

Paguusapan naming itong aking PLANO…

Naku, baka si DANTE mag-book na ng EROPLANO;

Sa GROUP OF TEN MEETING dito sa OFFICE KO,

Magpapakain ako TOKWA’T ARROZ CALDO!

 

 

BADMINTON po’y tunay na PAMPAGANDA…

Kikinis ang kutis pati ang mukha mo PA;

Tunay na kapag palagiang NAGPAPAWIS;

Pimples at toxins sa katawa’y tuluyang MAWAWALIS!

 

 

Pampahaba po ng buhay  ang BADMINTON, at TOTOO;

Yan po ang sabi ng GOOGLE kahit yan ay i-search MO;

Tingnan po nyo ang poging Daddy MAX KO…

Chicharon bulaklak pa nga ang syang PAGKAING GUSTO!

 

 

Kaya everyday dapat ay magpapawis at MAGLARO…

At kung hindi talagang maalam na kayo ay PUMALO…

Ako po sa inyo’y handang MAGTUTURO,

DROP SHOT ang the BEST para kalaba’y MATULIRO!

 

 

Kung malapit po kayo sa CUBAO AREA,

Hala sige dating kayo at pwedeng UMARYA…

Ang BADMINTON COURT namin ay OPEN sa INYO,

Walang pong rental fees, may free water pa KAYO!

 

 

Ang kelangan nga namin ay may MAKAKALABAN,

Dahil may mga araw na QUORUM ay “INDIAN”;

Kulang ang kalaro, kaya wala pong FUN at PLAYING BINGE…

Pwede rin pong mag-SINGLES, pero madali pong HINGALIN!

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s