FUN RHYME SERIES 258: NGAYONG  ARAW  NG  KALAYAAN, PAGKAKAISA’Y  DAPAT  NANG BIGYAN NG PANGUNAHING LAAN  

DUTERTE-NOMICS-PHOTO1

[The  PHILIPPINES  is  being  considered  as  the  looming  next  tiger  economy  in Southeast  ASIA.  This  has  been  shown  by  the  splendid  economic  growth  rate achieved  by  the  country  under  the  stewardship  of  President  RODRIGO  ROA DUTERTE.  It  is  hoped  that  barring  any  disaster  of cataclysmic proportion, the PHILIPPINES could indeed become the next tiger economy.]

 

Ngayong araw na ng ating KALAYAAN,

Dapat tayo nga ngayo’y masusing MAGBIGAYAN…

Iwaksi na ang lahat ng alitan at AWAYAN,

Igalang natin ang nakaluklok na may KAPANGYARIHAN!

Bakit nga ba tayong mga FILIPINO…

Para bagang lahat isip ay mas magaling pa sa PANGULO;

Akala mo nga ba’y alam nilang lahat ang SIRKUMSTANSYA,

Meron silang sariling pananaw na maaring magdulot ng DISGRASYA!

 

PHIL-asia's-rising-star-PHOTO

Ang mga ilang PINOY kasi’y parang KOLOKOY,

Nang-aasar PANAY, at tigas-tigasin lang ang POTOTOY;

Sana nga’y magkaisa na at tangkilikin ang PANGULO,

At sa paglagom ng panahon ang bansa nati’y maging MODELO!

 

Isang halimbawa ay yaring WEST PHILIPPINE SEA,

Aba’y nagngangalit silang lahat kay DUTERTE;

Tayo nga ba daw ay probinsya na ng TSINA,

Para bang gusto ng iba’y tayo nga’y makipag-GIYERA!

 

 

 

Ano ba namang yaang malaking TERITORYO,

Kung tayo’y mahaharap sa DIGMAANG tunay na SERYOSO;

Di ba mas mainam na tayo’y makipag-ugnay na LAMANG,

JOINT EXPLORATION ng WPS at syang nanaisin ng mga PAHAM!

 

duterte-economy2

 

Bilangin po natin ang ating mga BIYAYA…

Mabuti nga’t ngayon ay tunay na tayong MALAYA;

Walang madugo at malaking giyera sa ating BANSA,

Di katulad ng bansang puspos sa GIYERA at dulot na SALANTA!

 

 

Ako’y tunay na pabor sa TSINA tayo makipag-ALYANSA,

At sa bansang AMERIKA ay dahan-dahan tayong DUMISTANSYA;

Ang WAR-MONGERING U.S.A. ay magdudulot pa na maraming DIGMAAN,

Habang wala pang bagong giyera “it’s best for us to be away from US and RUN“!

 

 

Ang pagkakahalal kay DIGONG ay itinulot ng DIYOS…

Malamang upang ang DISIPLINA natin ay maibalik ng LUBOS;

Tunay na nawalan na tayo ng pag-galang at DISIPLINA,

Kailangan nyan upang ating bansa ay SUMAGANA!

 

Katulad nitong kampanya laban sa DROGA,

Maraming tsismis na idinadawit pa ang angkan NILA;

Isipin na lang nating mga DRUGLORDS ay gagastos ng SALAPI,

Upang patuloy nilang maisulong ang kanilang MITHI!

 

duterte-china

 

Dapat ay itaguyod natin ng husto ang PANGULO,

Sa kanyang kalooban ay tunay syang MAKATAO;

Gusto ba nating ipilit ang dekreto ng TRIBUNAL,

Kung dulot nito’y GIYERA na maaring maging MUNDIAL!

 

PH-ECONOMY-BAR-GRAPH-PHOTO

 

duterte-with-gun

Mas pinahahalagan ng PANGULO ang BUHAY…

Pero kapag DROGA, ay talagang siya ay PAPATAY;

Nais ba natin ang bansa ay maging isang NARCO-STATE…

Kinabukasan ng ating mga apo at anak, “is at STAKE”!

 

Diokno-072518-STATEMENT

 

 Huwag na po nating guluhin pa ang ating MUNDO…

Malaking possibilad na tayo ay AASENSO,

Gumaganda ang ating EKONOMIYA;

Maraming FOREIGN INVESTORS ang syang MA-EENGANYA!

bar-graph-change-gdp

…AT ANG KABUHAYAN NATING LAHAT AY SASAGANA AT SASAYA!!!!

GRAPH-philipines-ECONOMY-GOOD

Leave a Reply