[Here is my first cousin AMORMIO TOBIAS LLORCA aka AMY, warbling a song, as he is so fond of singing too. But he is more of a story-teller of jokes with a very naughty punch-line. Let’s all continue praying for the ETERNAL REPOSE of AMY’s SOUL.]
Si AMORMIO LLORCA na kung tawagi’y AMY…
Pinsang-buo kong tunay na palagiang HAPPY;
Noong kami’y bata pa, sya’y mahilig mag-ISTORYA,
Kung minsa’y kwentong KALABASA, na walang KATORYA-TORYA!
Ang aking pagtatawa ngani ay hindi sa KUWENTO,
Kundi sa mga arte at muestra ni AMORMIO;
Pagka-kasi kumilos noon itong si AMY…
Hahagalpak ka ng tawa at talsik ang lulon mong KENDI!
Relihiyoso noong kaming mag-pinsang TUNAY…
Halos linggo-linggo kami’y magka-ALALAY;
Mangungumpisal kaming dalawa sa PARI,
Kapag may munting-sala, taas agad ang DALIRI!
Ang usapan naming magpinsan NOON…
Pagkatapos ng kumpisalan ay mayroong pakiusap na PABAON;
Kapag napamura o gumawa ng munting SALA,
Itataas ang DALIRI ng isa, para pagsisisi’y MAALALA!
Malapit lang naman kasi ang KUMPISALAN,
Ito’y nasa loob ng kampo, CAMP MURPHY noon ang NGALAN…
Sa SAINT IGNATIUS CHAPEL tuwing hapon ng SABADO,
Pipila kami doon at medyo kami’y KABADO!
Tunay na kami noo’y mga batang PASLIT,
Sunod kami agad kapag magulang ay PUMASWIT…
Meron mga pagkakataong matapos mag-KUMPISAL,
Napamura muli — balik agad sa KUMPISAL at DASAL!
Kinuha na si AMORMIO ng ating
PANGINOONG DIYOS,
Subali’t siya’y handa na at nagsilbi sa SIMBAHAN ng LUBOS…
Naging aktibo sa KURSILYO, at nagbibigay pa ng ROLLO—
Malamang derecho sa langit, simbilis ni APOLLO!
Ngayong pumanaw na ang pinsan kong si AMY…
Pagkukumpisal at dasal ay gawi ko pa rin PARATI;
Ngayong isang ANGHEL na, na kapiling ng ating BATHALA,
Paaalalahanan pa rin marahil ako upang malayo sa PAGKAKASALA!