FUN  RHYME  SERIES 245: HEAL THE RIFT; HEAL THE NATION (TAGALOG VERSION)  

 

 

FILIPINOS-HAPPY-PHOTO

[Ang kabataan ang siyang pagasa ng ating bansa. Gawin natin ang lahat upang ang mga susunod na salinlahi ng ating bansa ay hindi magugumon o masasadlak sa maigting na kahirapan, sa droga, digmaan, kriminalidad at sa ano pa mang salot sa lipunan. Tayo ay magkaisa na at ating iwaksi ang poot at galit na magsisilbing balakid sa pagkakaisa ng ating bansa.]

 

Natapos na ang pambansang ELEKSYON…

Dapat ay ating iwaksi na ang mga EMOSYON;

Maghilom na sana ang naging IRINGAN,

Magkabati’t magsama na tungo sa pambansang KAUNLARAN!

 

 

 

Kung mahal nating tunay ang ating BANSA,

Iwaksi na natin ang pagngangalit at PAGTUYA;

Bigyan natin ng espasyo ang KAPAYAPAAN,

Huwag na nating pasiklabin pa ang ALITAN!

 

happy-filipino-2 

 

Gamitin natin ang SOCIAL MEDIA ng POSITIBO,

Iwasan na natin ang mga POST na MAGARBO;

MAGARBO sa pang-aasar at PANUNUYA,

Mas MAGARBO rin sa salitang NANANAULA!

 

 

 

Isipin nating ang ating bansa’y kailangang MAG-KAISA…

Bigyan natin ang lahat ng matingkad na PAGASA!

Igalang natin ang ating PANGULO..

Bagamat hindi siya tunay na PERFECTO!

 

 

happy-filipino-3

 

Nagwagi’t nanalo ang PANGULO sa HALALAN…

Ang POONG MAYKAPAL ang siyang mas may ALAM!

Wika nga’y: “ANG TINIG ng TAUMBAYAN…

Ay TINIG ng DIYOS “, na tunay na mas higit ang KAALAMAN!

 

 

 

Ipagdasal natin ang ating BANSA,

Kapayapaan at kaunlara’y dapat RUMAGASA;

Lahat tayong mga Filipino’y MABIBIYAYAAN,

Huwag po nating pagkakawatak-watak ay HAYAAN!

 

filipino-kids-4 

 

Habang tayo’y nagpupunla ng GALIT,

Lalong sumisidhi ang POOT at  PAGNGANGALIT…

“NATIONHOOD” ay dapat nang bigyan ng PRAYORIDAD;

Ibaon na ang galit at ang poot ay huwag nang ILANTAD!

 

 

 

Darating naman ang susunod na HALALAN,

Dapat ipagdasal natin magpatuloy ang KAPAYAPAAN…

Dahil kapag ang bayan nati’y nagka-WINDANG-WINDANG,

Dagundong na pagsisisi ang  ating DADATNAN!

 

…AT MAGIGING KAWAWA ANG ATING MGA ANAK AT LAHAT NG KABATAAN!!!! 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s