FUN RHYME SERIES 239 – DIGONG SATISFACTION RATING, RUMEPEKE NG HUSTO

dutertenomics-pinas-photo

[The topnotch cabinet ministers of President Rodrigo Roa Duterte posed for a group photograph amidst a DUTERTENOMICS backdrop after the DUTERTE ADMINISTRATION reached a record-high NET SATISFACTION rating of  +72 PER CENT as conducted by the SWS for the first quarter of 2019.]

 

 

Batay sa pinakasariwang SURVEY ng SWS;

Patok na naman at ang RATING ay nag-INCREASE;

81 per cent ang SATISFACTION RATING…

Tunay na ang pag-asenso ng bansa’y MARARATING!

 

 

 

Ang NET SATISFACTION rating ay pumalo ng EXCELLENT,

Umakyat ng anim na porsiyento mula nung CHRISTMAS ADVENT;

Plus 66 lamang kasi ang naitala nung DECEMBER 2018,

Plus 72 percent naman nitong MARCH 2019!

 

 

 

 

Ang “BUILD BUILD BUILD” na motto ni DIGONG,

Pati sa PRIVATE SECTOR at tunay na UMUGONG;

Kaya EKONOMIYA nati’y tunay na RUMAGASA,

Administrasyong DU30 sadyang nagbunsod ng PAGASA!

 

tourism-summit-poster

 

Pati ang kaunaunahang TOURISM SUMMIT…

Naging matagumpay, ang layuni’y MAKAKAMIT;

Sampung-libong delegado ang DUMATING at DUMALO,

Laksa-laksang turista ang tiyak darating DITO!

 

 tourism-summit-photo-many

 

Kaunaunahang PANGULO ang naglunsad ng PROGRAMA,

Paglilinis ng BORACAY, na dinumhan ng BALANA;

At ngayong talaga’y bumusilak at GUMANDA,

Lalong naging sikat ang BORACAY sa EUROPA!

 

 

 

Wag na nating pansinin ang inuusal na MURA,

Nitong PANGULO nating mahilig talagang MAGPATAWA;

Bulaklak lamang ng DILA yan kanyang PAGMUMURA…

Ang importante sati’y EKONOMIYA’y GUMAGANDA!

 

 

 

Pati ang “RATING” ni DU30 ukol sa WEST PHILIPPINE SEA,

Hindi natin siyang tunay na MASISISI;

Satisfied ang mga mamamayan sa kanyang DISKARTE,

JOINT  EXPLORATION ang dapat MANGYARE!

 

 

 

 

Bakit nga naman tayo ay MAKIKIPAGBABAG,

Sa BANSANG TSINA na sya nating magiging KALASAG;

Darating ang panahong tayo’y makikipag-ALYADO…

Sa karatig na bansa na natin, wag na tayo pang DUMAYO!

 

 

 

 

Ang WEST PHILIPPINE SEA ay hitik sa DEUTERIUM,

“Clean fuel” ito at namamahay sa DAGAT na MALAYON;

JOINT EXPLORATION ang kelangan DITO,

Gawin na nating strictly ORIENTAL Project ITO!

 

 

Mukhang nakatadhana na UMASENSO ang PINAS…

Sa ADMINISTRASYONG DU30, at ito’y PAPAGASPAS;

Kapag sinimulan na ang DEUTERIUM EXPLORATION,

The PHILIPPINES will truly be a very RICH NATION!

 

 

 

Pero kelangan natin ng ka-JOINT VENTURE DITO,

Huwag na ang mga KANO, make it PURE ORIENTAL… wika KO;

TEKNOLOHIYA ng TSINA ang syang magiging GABAY,

Pagpupundo pati nito kailangang may-KAAGAPAY!

 

 

Sa aking halos 70 taon dito sa MUNDONG IBABAW,

Ngayon ko lang nakita ang PANGINGIBABAW…

Nang mga pulis na hitik sa DAAN,

KRIMINALIDAD ay bumaba ng halos 10 BAHAGDAN!

 

 

 

Pati ang kampanyang laban sa DROGA at SIGARILYO,

Umigting lang nang tunay at IPINAGIBAYO;

Sa panahon ni DIGONG, kapulisan ay NILINIS,

Mga NARCO-GENERALS halos dagliang TUMALILIS!

 

 

 

Okey din ang tala sa FIGHTING CRIME, TERRORISM at REBEL RECONCILIATION…

Pati sa isyung HELPING THE POOR, ay magaling ang PROGNOSTICATION;

Kaya talagang makikita nang TUNAY at TOTOO,

Itinadhana si DIGONG na syang ating maging PANGULO!  

 

duterte-in-batangas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s