FUN RHYME SERIES 238 – PISTAHANG BARANGAY SA BAYAN NG TAAL

taal-church

[The photo shows the Taal Basilica, canonically known as the Minor Basilica of Saint Martin of Tours. It is a Minor Basilica in the town of Taal, Batangas in the Philippines, within the Archdiocese of Lipa. It is considered to be the largest church in the Philippines and in Asia, standing 88.6 metres long and 48 metres wide.]

 

 

Mainam ang pagdalo sa KAPISTAHAN ng MAAGA,

Aba halos kami’y sinalubong ng MUSIKERONG BANDA…

May mga MARJORETTE  pang tunay na KAAKIT-AKIT,

Halos sulyap namin sa kanila’y parang NADIKIT!

MARJORETTE-fiesta(2)

 

Maaga kaming bumiyahe mula sa aming LUNGSOD,

Alas-KUATRO pa lang ay handa nang SUMUGOD;

Ang EDSA ay marami-rami na ring SASAKYAN…

Sa bandang unahan pala’y merong kotseng NASIRAAN!

 

BANDA-MARJORETTE-ILOG-TAAL

 

 

Mag-aalas OTSO nang kami’y DUMATING,

Syempre at kami nga’y di pa KUMAKAIN…

Agahan  naming PINAPANGARAP,

Syempre nung may MARJORETTE, mata nami’y di-KUMURAP!

 

 

suman-and-tabliya-chocolate-sauce

 

Mag-aagahan ng masamyo at malapot-lapot na TSOKOLATE,

Syempre ito’y mula sa TABLEYANG BINATE;

Ang sarap talaga ng SUMAN SA GATA,

Para bagang di ka na maawat sa KANGANGATA!

 

ella-macopa

 

 

Kelangan marunong kang maghubad ng SUMAN,

Merong paraang para di halos ang kamay ay MADUMHAN;

Itatayo mo ang SUMAN na bukadkad na ang LAMBI,

At pupunitin sa gitna ng lambi para pagtalop ay MAPADALI!

 

taal-limayon 

 

Dahil kasayahan naman ang tampok na LAYON,

Kaya’t ang plano’y masayang kainan at PAGLILIMAYON;

Kwentuhang tunay na UMAATIKABO…

Halakhakang malutong na parang INUUBO!

 

donna-macopa

 

Nabigyan ng pansin ang puno ng MACOPA,

Matagal na palang inaasam-asam ni DONNA;

Ngunit mas mabilis ang aming SEKRETARYANG, si ELLA…

Nakapag-pa-KODAK agad sa lilim ng mapupulang BUNGA!

 

  ella-rose

 

Napakasarap ang hinandang TANGHALIAN,

Aba’y di napigil ang gutom ng ILAN;

Aba syempre ako’y pumila na RIN,

Kahit na ang orasan ay alas-onse pa MANDIN!

 

food-at-table-batangas-fiesta

 

Nadagdagan pa ngani ang aking BOKABULARYO,

“GAMBOL” pala’y parang BINUGBOG at BINAYO;

“PANGKAL” naman ay TAMAD DAW,

“TUGA” ay AYOS daw, pero KWIDAW!

 

 

 

 

“SAMPAYNE” ang tawag sa ulam na TERIBLE…

Teribleng napakasarap, saan kaya pwedeng BUMILE  —

Aba’y tuwing pistahan lang daw INIHAHAIN;

Kailangan sa susunod na PISTA, ako’y nandun pa RIN!  

group photo-taal

 

 

Matapos ang kainan sa may BARANGAY ILOG…

Ay doon naman sa BOLBOK kami SUMUGOD,

Ito’y lugar sa BATANGAS CITY—

Sa BAUAN kami dumaan at nagmamadali si Attorney JOVY! 

 

jovy's-house-dinner

 

Dinalaw namin ang bagong tayong BAHAY…

At doon ngani daw si Attorney JOVY ay NAMAMAHAY;

Binusog din po kami ng TODO-TODO;

TINOLANG NATIVE na manok, ay aking PABORITO!

 

jovy's-house

 

MALIGAYANG KAPISTAHAN, MASARAP NA TSIBUGAN!!!

One thought on “FUN RHYME SERIES 238 – PISTAHANG BARANGAY SA BAYAN NG TAAL

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s