FUN RHYME SERIES 231: OUTING NG “YOUNG LAW FIRM” SA CALATAGAN  

ylf-group-photo-outing

 [Here is a group photo taken during the LAW OFFICE excursion/outing at the LAGO DE ORO Resort in Calatagan, Batangas.]

 

 

Dahil mainit at alinsangang  totoo sa KAMAYNILAAN,

Nagkaroon ng OUTING kami sa isang LALAWIGAN…

Sugod ng maaga kami sa BATANGAS, mismo sa CALATAGAN;

Sa LAGO DE ORO, isang RESORT, at yaon ang syang PANGALAN!

 

Siyempre maginhawa ang simoy sa LALAWIGAN,

May konti pang ginaw lalo na sa may KATUBIGAN…

Malamig talaga ang tubig sa dagat kapag UMAGA;

Sisisid kaming lahat, kahit mababaw, parang kami’y GAGO’T GAGA!

 

 

alyza-photo-balabal 

  

Kanognog lang kasi ng LAGO ang mansion ni KUMPADRE,

Si KUMPADRENG JOE VERGARA, na dating taga MURPHY…

Kababata ko at kasing-taong GULANG;

Naghanda ng agahan sa isang mahabang DULANG!

 

donna-pusit-photo

 

Itong si JOMAR na nagpakabusog  sa EGG SANDWICH..

Dahil sa biyahe’y nagutom, naku napakahaba ng TRIP;

Nilantakan ding totoo ang agahang inihanda ni JOE VERGARA,

Nasarapan sa DANGGIT, sa ITLOG NA MAALAT at sa PUSIT na IGA!

JOMAR-FE-PHOTO 

 

 

Mukhang naempatso nang dahil sa KABUSUGAN…

Syempre nagpahinga at hinilot ang TIYAN;

Matapos ang ilang sandali’y si JOMAR ay  “WELL and FIT”…

Si JOMAR ay muling naging “READY to EAT”!

 

JOMAR-PHOTO

 

Si ELLA na dinala ang kanyang BARANGAY;

Si ELOY, si EBOY, si ALYZA at ang lalaking MAYBAHAY…

DON ang pangalan, FACUNDO ang BANSAG,

Natakot yata si ALYZA sa maliit na ALIMASAG!

 

 

ylf-group-photo-outing(2) 

 

 

Si FE na syang aming magaling na KUSINERA,

Ang gara ng swimming suit, akala mo’y pang-GIYERA;

Itong si ALMER naman na kanyang ASAWA,

Tumanghod kay JOE VERGARA na puro ISTORYA!

 

ISTORYA DITO, ISTORYA DOON …WALANG PATID PONG TALAGA,

BAWAT KUMPAS NG KAMAY NI KUMPADRE, ITONG SI JOE VERGARA…

BUBULALAS ANG NGITI AT SUNOD AY  MALUTONG NA HALAKHAKAN;

BAWAL MAKINIG ANG BABAE’T BAKA MAIHI’T SUMAKIT ANG TIYAN!

 

  

Ang sabi ngani nitong si ATTORNEY VIC …

Masarap na ang kainan, pati pa ang istoryahang puro GIMIK;

Itong si JOE VERGARA hindi po talagang HUMINTO,

Para bagang komedyanteng katulad ng  sumikat na si PUGO!

VIC-CRUZ-PHOTO 

 

ROSE-TATTOO

 

Aba si ROSE na aming SEKRETARYA,

May tattoo na dalawang ROSE na itinatago PALA…

Nakita agad ang tattoo ni ATTORNEY JOVY GAMBOL;

Kapag puting HITA pala, si JOVY’y

maliksing NAKAUKOL!

 

ylf-photo-outing(4)

JOVY-ROSE-PHOTO

 

Si DONNA naman na kinalimutan ang DYETA….

Napasarap ang kain dahil masarap nga TALAGA;

Uminom pa ng flavored BEER…naku ang TARAY!

Baka magalit si RAMIL na kanyang mabait na TATAY!

 

 

 

Malinaw ang tubig sa beach na animo’y BATIS…

Kita ang buhangin at ang paa nami’y masarap na IKINIKISKIS;

Ito naming si LAWRENCE na mahilig KUMISKIS,

Paa niya’y para bagang sa BROKEN SHELL nakipag-KISS!

LAWRENCE-FAMILY-PHOTO

 

 

 

Si LITO’y syempre inatupag ang pag-BILI…

Ng RED HORSE, PALE PILSEN at SAN MIG LIGHT na MABILI;

Binanatan ang lahat, umupak pa ng RED WINE,

Kapagdaka’y nakatulog at humikab pa na animo’y “WHINE”!

LITO-ALMER-PHOTO

 

 

 

Ang mag-asawang si GARY at si ROSE ANN NAMAN,

Kasama din ang anak nilang malusog na KATAMTAMAN;

Si SAMANTHA na sa una’y ayaw LUMANGOY,

Matapos maakit, sa tubig ay nagpa-UGOY-UGOY!

ROSEANN-SAMANTHA

 

 

Si ATTORNEY JUN naman na ayaw unang mag-BABAD,

Hinimok ni JOMAR ,  “and JOMAR was very GLAD”…

Dahil nga naman masigla ang sinag ng ARAW,

Si JUN REVS, para hindi umalat, ay kagyat na NAGBANLAW!

 

jomar-jun-babad-photo

 

Si NOLI na sya naming DRIVER…

Binawalan naming humawak ng BEER;

Balak pa sanang humirit at makiki-pag-NEGOTIATE…

Kaya daw niya kahit na isang BEER lang, at iinumin nyang STRAIGHT!

 

 

 

Si APRILYN naman na anak ni NOLI…

Kasama ang BOYFRIEND na kamukha din halos ni NOLI;

Mabilis palang lumangoy ang DYASKE,

Hinabol nang palangoy ang PLASTIC BALL na dahil sa hangi’y RUMEPEKE!

FE-BEER-PHOTO

ROSE-BEER-PHOTO

Nakaligtaan nang tuloy ang PARLOR GAME na kasama sa PLANNING,

Dahil nagkasayahan na sa SWIMMING, sa EATING at pati na DRINKING;

Ang sarap talaga ng hanging-dagat na sariwa at walang usok na MANTSA,

 Kaya si LITO’y papungaspungas, parang si SANCHO PANZA ng MAN OF LA MANCHA! 

KAINAN-PHOTO-LAGO(1)

 

KAINAN-PHOTO-LAGO(2)

 

Ang hinandang pagkain nitong aking KUMPADRE…

Aba’y parang LAURIAT kaya’t siya’y paroon at PARINE;

May DINUGUANG BATANGAS, at AFRITADANG MANOK,

Ang sarap lumasap lalo na’t merong COKE!

 

 

Meron ding HIPONG mainam ang LAKI…

STEAMED HIPON ang bansag, meron nyan PARATI;

Mayroon ding maanghang-anghang na DINAKDAKAN’

Lintik lumamon si LITO, nung kanyang SINABAKAN!

 

May LAING pa ngani, na may anghang KONTI…

At may inihaw na malalaking BANAK, kaliskis ay PUTI;

PUSIT NA INIHAW, para bang may SABAW,

Kaya ako po’y nagkamay, sa dagat NAGHINAW!

 

 

Pero itong si LITO ay naging tunay na PROBLEMA,

Parang gusto na talagang humiga sa KAMA;

Pangiti-ngiti pa habang nakapikit ang MATA,

Para bang gusto’y magpahinga na sa PUNERARYA!

 

 

Siyempre bumisita rin kami sa MUSEO ni DON ENRIQUE,

Matapos  magdasal sa kapilyang pinagawa ng mga ZOBEL, sa may PARKE…

At nang pumasok na sa CUTE na MUSEO, picture dito picture DOON….

Naku ay BAWAL pala…baka po magalit at multuhin kami ni ENRIQUE DON!

 

zobel-chapel-photo

Salamat ng MADAMI kay Pareng JOE at kay Mareng AMIE…

Sa pagluluto ng pagkaing sobrang napa-RAMI;

Kay JUSTIN na kanilang anak na PANGANAY,

Sa pagsisilbi sa amin ay talagang hindi po NANGALAY!

 

MARAMING SALAMAT SA VERGARA FAMILY!!!!

 

ylf-outing-photo(3)

 GROUP-PHOTO-MUSEO-CALATAGAN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s