[At the 50th Wedding Anniversary of my Kumpadre, RAMON M. MARONILLA and his beauteous wife, BECKY FONG-MARONILLA; Congressman Jerome Paras was called upon to speak about a relatively unknown and somewhat secret episode in the marital life of MON and BECKY (as Cong. Paras prefaced his story-telling with the caveat that he has been given permission by the couple and the family to unravel the “highly classified” matter) . And this FUN RHYME blog is a virtual re-telling in the vernacular of what the good Congressman (who is MON’s close friend and batchmate at the UP College of Law) unraveled.]
Nakakatuwa ang narinig kong KUWENTO,
Noong isang gabi sa CLUB MANILA POLO…
Isinalaysay ito ni Cong. JEROME PARAS,
Maraming umigtad sa TUWA at GALAK!
Ang ISTORYANG ito ay ukol sa PAG-IBIG…
Ng dalawang mag-singirog maganda’t MAKISIG,
Si MON MARONILLA ang prinsipal na BIDA;
Si BECKY FONG naman ang minimithi nyang TALAGA!
Nang unang magsalpukan kanilang mga MATA…
Ang sabi ni MON: “Eto na ang aking PRINSESA!”
“Siya ang pangarap kong pang-habambuhay na ASAWA!”,
Dagdag na usal ni MON sa kanyang KONSENSIYA…
Eto palang si MON ay masidhing MANLIGAW,
Minu-minuto’y nakatanghod siya sa lahat ng GALAW…
Nitong si BECKY FONG na kanyang INAASAM;
Para bang may ESPIYA sya na talos na MAALAM!
Nakaramdam yata ang INANG ni BECKY..
Kaya ang naging plano sa U.S. ay mag-“FURTHER STUDY”;
Naku, sabi ni MON, malaking DISGRASYA itong PIHO,
Itatago na ni INANG ang ESPOSA sa ESPOSO!
Syempre si MON ay tunay na NABAGABAG,
PAGTATANAN ang PLANONG pinag-usapan sa HAPAG;
Si Cong. PARAS ang isa sa naging TAGAPAYO,
Siguradong mga magulang ni BECKY ay MASISIPHAYO!
Marubdob ang PAG-IBIG ni MON kay BECKY,
Kaya isang araw ay nagyaya sa SINE…
Syempre may CHAPERONE, si INANG na IPINASAMA;
Pero nasuhulan ni MON kaya LIBRE NA!
Matapos ang sine’y tumungo sa TERMINAL…
Sumakay sa BUS at naging ROMANTIKAL;
Sa BAGUIO dumatal sa tahanan ng kanyang TIYANG,
Feel na feel ni MON ang PAGIBIG nyang
IBINUYANGYANG!
Para nga naman maging SAGRADO
ang TANAN…
Nagtungo sa ANGELES upang doo’y idaos ang KASALAN;
Syempre mga BRODS niya sa UPSILON,
Ang kasama sa madaliang ginanap na MARITAL UNION!
Eto na ang siste, may na-i-FILE na KASO,
HABEAS CORPUS case laban kay MON, iba pang TAO…
Pumatak sa HUKOM na si ANDRES REYES SENIOR;
Nagkaroon ng HEARING, but it did bring a CURE!
Sabi nga ni JUDGE eh, OF AGE na nga naman SILA,
At kasal na rin …wala nang magagawa PA!
Kumalma si INANG pati na si TATANG…
Pero si BECKY di nakaligtas, at sya’y nabatukan ni INANG!
At ang parting words nga ni CONG,
Sa kanyang KUWENTONG very LONG…
…”And they LIVED HAPPILY EVER AFTER”,
Indeed, the story-telling got filled with much LAUGHTER!
MULI, MALIGAYANG ANIBERSARYO SA INYONG MATAMIS NA PAGMAMAHALAN, MON AT BECKY!