
[Ateneo Schools Parents Council (ASPAC) President Dr. Alejandro Tan aka DOC ANDY TAN will be celebrating his birthday on February 25, 2017. An unannounced/unscheduled birthday luncheon was haphazardly made out following the February 18, 2017 ASPAC meeting. This, after our female colleagues in ASPAC wooed and incessantly egged our dear Doc Andy to do an advance BLOW-OUT. Thus, the whole caboodle of the ASPAC council,almost perhaps, dined at the ZENSHO Restaurant along Tomas Morato Avenue in Quezon City.]
Maligayang kaarawan DOC ANDY,
Matikas pa din at tunay na matindi;
Listong kumilos at walang pakiyeme1,
Ang nais nya’y SURE na mangyayare!
Masipag siya’t tunay na masinop,
Di alintana ang pagsakay sa LRT loop;
Basta trabaho hindi nya uurungan,
Lalo na’t kung ASPAC2 ang siyang tinutulungan!
Halos araw-araw ay nag-“co-commute” siya,
Kapakanan ng ATENEO students ang angking layon nya;
Kaya naman siya’y tunay na minamahal,
Baka patayuan sya tuloy — rebultong ala-TAJ MAJAL!
Aba ako’y namangha nung narinig ko ang KUWENTO3,
Noon daw ang ASPAC nagkaroon ng PROJECT sa ATENEO;
Halos lahat daw ng SOLICITATION-DONATION ay puro thru DOC ANDY,
Yan ang PRESIDENTE —tunay na ADELANTE4!
Mga opisyales ng ATENEO ay gumagalang sa kanya,
Aba syempre! FENGSHUI Master pa din siya;
Dahil palagi ay GOOD LUCK ang dala niya,
Yong mga kumukontra baka BAD LUCK ang maging pasya!
Ang aking pang isang nasagap na balita,
Pagpasok ng pera sa ASPAC ay totoong naging SWAK;
Ginamitan ng FENG SHUI… naku po ALAHOY!
Huwag na pong mag-kuripot— wala nang abuloy na ala-BELEKOY5!
Galante po siya at tunay na GENEROSO,
Kaya ang lahat ay napasunod sa USO;
Nandyan si JOSELITO panay ang regalo;
Tuwing may BOARD meeting mayroong bitbit na BIKO!
Di naman papatalo itong si ROBERT TAN,
Tuwing may BOARD MEETING, umaapaw ang aming tiyan…
KAPENG masarap, at TSOKOLATENG malasa,
May pahabol pang STEVESTON PIZZA,
Noong sya’y naging Presidente ng ASPAC,
Para bagang dumadalo sa mga PARTY ay limpak-limpak;
Marahil gustong kay Doc Andy’y mag-BESO-BESO,
Yon pala nama’y gusto’y LECHON SABROSO6!
Kung ako’y tunay na tatanungin sa SURVEY,
WISH ko’y maging PRESIDENT for LIFE si DOC ANDY;
Para hindi na matinag ang mabisang TAMBALAN,
PREXY7 si DOC ANDY, at si RAUL8 ang IPP9 naman!
MULI, MALIGAYANG KAARAWAN DOC ANDY!!!!
========================================================================
