FUN RHYME SERIES 46: ANG DAMBANA NG BACLARAN – TAKBUHAN NG MANANAMPALATAYA NG BAYAN

[As it was still dark when the NOVENA started at 5:30 AM this morning, the hordes of the Catholic faithful who attended could not be so appreciated and discerned as shown in the left photo. But comparing it with the right photo (which is also a usual NOVENA day but taken when the sunlight has already illuminated the interior of the BACLARAN Shrine), the aisle is totally occupied at the left photo. Today, January 4, 2017, is the FIRST WEDNESDAY of 2017; and the reason perhaps why the atmosphere was festive though still solemn at the BACLARAN Shrine, could be the merriment that most experienced on CHRISTMAS DAY and NEW YEAR’S EVE- a truly unique day of jubilation for the Filipinos. Let us all fervently pray for a PROSPEROUS 2017 and a MERRIER 2017 CHRISTMAS.]

Tuwing Miyerkoles – alas-kuatro ng umaga,

Talagang ako’y halos di magkandaugaga;

Kasi mula noong ako’y nag-review sa BAR,

Naging debosyon ko na, at patuloy SO FAR

 Umulan ma’t bumagyo, basta kaya ko;

Ako’y gigising ng alas-tres menos quarto–

Dahil kapag ako’y nahuli ng ilang minuto,

Dating ko sa dambana’y punong-puno na ng tao!

Nobena sa Baclaran naging takbuhan ng bayan,

Mayaman at pobre man, sabay-sabay sa lakaran;

Ako’y nag-pa-park ng halos ang layo’y isang kilometro,

Kaya parang may “walking exercise” na rin otro

Sasalubungin ako ni Manang na syang parking attendant,

Pagdating sa GATE, yaong mga sampaguita vendors naman;

May limang vendors ang tawag ay SUKI ako,

Tatlong sampaguita garland na pang-alay, dalawa’y pauwing, bitbit ko!

Kaninang pagdating ko sa Dambana,

Nailang ako dahil halos nakangiti ang madla;

Wala akong nakitang  naglalakad ng paluhod,

Tuloy pa rin ang pag-halik sa Kristong nakapako, sa aba nyang tuhod…

Wala ring nanananangis, at yaong kunot… sa noo’y may pileges,

Maganda marahil ang kanilang PASKO pati na ang New Year’s eve;

Napagandang pangitain ito, senyal ng kasayahang puspos at tigib!

Talagang aking inaagahan ang dating para sa unang NOVENA ng 5:30,

Dahil kapag nahuli, ay wala ng upuan, at di

na din makadaan sa may SACRISTY;

Dahil yaong mga taimtim na nananalangin,

Sa TABERNAKULO umuusal, halos sa SACRISTY ay maringgin!

 Ang aking tangi at taimtim na panalangin,

Ang bayang PILIPINAS sana’y magkaisa na rin;

Magtagumpay ng husto ang kasalukuyang GOBYERNO,

Para lahat  ng PINOY, ay mag-ENJOY, at mabuhay nang taas noo!

Leave a Reply