[President Rodrigo Roa Duterte announced his advocacy of an INDEPENDENT FOREIGN POLICY which may have puzzled, nay befuddled, a lot of our countrymen who have been accustomed to the continued foreign affairs linkage/military alliance with the United States of America. Though Pres. Duterte sounded off his desire to end the VFA pact, perhaps to be officially done after the usual protocol and customary process, Pres. Duterte however explained that such kind of policy would not in any way translate to some kind of a military alliance with RED CHINA. Indeed, because of our traditional foreign policy which has looked upon the U.S. as some kind of our big brother, the Philippines virtually lost the opportune re-establishment of trade and commerce relations with China, which since pre-Spanish times have been going on, but got stymied when we became too identified with the U.S. It is a big loss indeed, as China has almost 1.5 Billion people who may surely be prospective consumers of our traditional Philippine fruit exports (i.e. bananas, pineapples, mangoes, etc.) . By next year indeed, with the lifting of the travel ban among Chinese mainland inhabitants into the Philippines; tourist arrival is expected to hike to a high of 100 per cent.]
Ang IDOL kong si DODGIE FERRER,
Naguguluhan daw sa FOREIGN POLICY matter;
Na syang inilatag ng Pangulong si DIGONG,
Ukol sa “U.S. BYE-BYE spiel” na ngayo’y dumadagundong!
Aba eh simple lang naman po yan… IGAN,
PARADIGM SHIFT po ang tawag dyan;
Mahirap talagang ispelengin kung BAGO,
Lalo na kung nahirati tayo nang TODO-TODO!
Hindi naman ibig sabihin, IDOL DODGIE,
Na kapag sa TSINA na tayo’y lumagari…
Aba KOMUNISTA na ang ating kaisipan,
“ABA’Y HINDI!”– yan ang mariing sabi ni LUCIO TAN!
Sa totoo nga at sa karanasan ngayon,
Marami ng KAPITALISTA sa RED CHINA na umusbong;
Ang tawag nga sa mga ENTREPRENEUR na ito,
RED CAPITALISTS at GOOD GOVERNANCE po ang gusto!
Mukhang lumalabas sa simpleng ANALYSIS,
Kapag tayo’y patuloy na umalyado sa U.S.;
Pihong bibigat ang magiging sulsulan,
Ukol sa desisyon ng ARBITRAL sa NETHERLANDS.
Kung ating ipagpipilit ang nasabing DESISYON,
Baka ito’y mauwi sa madugong KONPRONTASYON;
Aanhin ang DAMO, kung patay na ang KABAYO…
Ganyan po halos ang magiging SCENARIO.
Dapat po’y solusyong PRAGMATIKO’T PRAKTIKAL,
Yong malayo po sa GUERRA na para nang PAGPAPATIWAKAL;
Kasi kung magsusumiksik tayo sa ESTADOS UNIDOS,
Siguradong tayo’y makikipag-PAMBUNO; tuluyang babagsak nang padausdos.
Ulat ng aking nabasa — 9 na bansa ang panig sa ARBITRASYON,
14 na bansa naman ang nagpahayag ng OPOSISYON;
Dahil sabi ng 14, subukan muna’y “BILATERAL TALKS”,
Upang marinig, tunay na FEELING ng mag-kabilang “FOLKS”…
Alam nyo bang 3 milyong kilometro kwadrado ang taya dito,
Eh di naman nating kayang “idevelop” ang buo nito;
Pinakamaganda’y JOINT EXPLORATION ang maging modo,
Sa laki ng lugar, lawak ng dagat… SURE na di tayo madedehado…
Ang pagkakataong ito’y magsisilbing totoo…
Pag-iibayong daan para sa mas malagong negosyo,
Ang lapit sa atin ng Bansang TSINA,
“Export-import” man, siguradong sasagana!
Nakakatakot ang ASIA-PIVOT ng Estados Unidos,
Baka yan sila’y naghahanap ng pang-tubos;
Ekonomiya nila’y kailangang yata ng BOOSTER,
Baka mag-anyong WARRING EAGLE; instead na RED ROOSTER*…
Aba’t hindi ba’t naging palasak na,
Kapag gusto ng U.S. gumanda ang ekonomiya;
Gagawa daw ng GUERRA kung saan
saan sila,
Pagtapos panay na gawaan ng ARMAS at BOMBA.
Ang sabi nga ng isang ANALYST,
Mabuti na ngayong sa TSINA’y kumatig;
Naituring ang TSINA bilang isang RISING POWER,
Estados Unidos naman ang syang DOMINANT POWER…
Pero batay sa kasaysayan ng bawat bantog na bansa,
Paglipas ng mga dekada, ito ay lalamya;
Mabuti nang kumalas habang DOMINANT pa,
Baka sabihing tayo’y naging OPORTUNISTA…
Dahil nga naman, kapag-bagsak at lugmok na,
Ang turing sayo’y dagang kumaripas para maligtas;
Mula sa lumulubog na BARKONG nabutas,
Pangit tingnan po talaga — di nga ba?
Kung kakabit tayo sa TSINA nang hindi pa ngayon,
At maghihintay kapag ang rurok ay SURE at NO QUESTION;
FOUL din yon at siguradong sasabihin,
Itong PILIPINAS — nakaririmarim!
=======================================================
[*”RED ROOSTER” is an appellation given to one who makes or maintains PEACE.]