FUN RHYME SERIES NO. 36- ON BEING & STAYING YOUNG (TAGALOG VERSION)

[I earlier posted a BLOG in English about tips on STAYING YOUNG as I felt that with Daddy Max as our clan’s exemplar of BEING YOUNG and STAYING YOUNG, I could give some advice as some kind of vicarious experience from Daddy Max’s lifestyle. The photos seen above are the same photos used in my earlier BLOG with the left photo showing Daddy Max “sandwiched” by my daughters Shayna and Cheska. It was my FUN RHYME BLOG SERIES No. 3. Well, here is the TAGALOG version of that BLOG, after I was requested by a friend to come out with the same BLOG written in the vernacular. This BLOG comes timely with the advent of the CHRISTMAS SEASON which in our country, the PHILIPPINES, would surely feature a train of invitations to almost nightly CHRISTMAS PARTIES starting as early as the first day of December. The usual and most popular CHRISTMAS party table fare is our famous LECHON (i.e. roasted pig) which is jokingly (nay, bad humor actually) referred to as “PAMPABATA” (i.e. food which if frequently ingested makes one YOUNG because one would not anymore reach old age and would die YOUNG).]

PALAGIANG NARIRINIG NA ANG PAGIGING BATA’Y SA ISIP LANG–

PATI RIN ANG MALA-ROSANG PISNGI; AT TUHOD NA SEKSI NA NAKAKALIBANG…

DAHIL SA APELYIDO NAMI’Y “YOUNG”, MERON AKONG IBUBUYANGYANG!

PARA MABIGYANG GABAY ANG MGA KAANAK AT KAIBIGAN!

MGA TAONG LAPIT NANG MAG-DYATAN AY TODONG PAGSISIKAP,

RETIREMENT NILA’Y HALOS AY PINAPANGARAP!

PERO, KWIDAW, AKING IGANG MINAMAHAL AT kabagay…

MARAMING NAG-RE-RETIRE DYAN, NATETEPOK NG BIGLAAN, aragay!

KAPAG NAG-RETIRE;  NAGPAHINGA’T AT NATUTONG LAGI’Y MAGLA-MYERDA!

NAWAWALA  ANG SUGID NA GUMISING NANG PINAKA-MAAGA!

KULANG SA TULOG O KAYA’Y SOBRA MAN, PAREHAS NA YAN AY KAMALIAN…

IYAN ANG SINABI NUNG SIKAT AT EKSPERTONG NAVY SEAL MAN.

OO NGA’T NASABI NI ROY BOEHM NA KANO,

NA FUNDADOR NG NAVY SEALS NA, DI NAGBIBIRO!

NA ANG PAG-GISING AT PAG-BANGON NG MAAGA,

NANG ALAS-KUATRO Y MEDYA— EPEKTO’Y ALA VIAGRA!

LUMALAKAS AT TUMITIGAS ANG LOOB AT ANG TIKAS,

KAYA DAW ANG PALAGIANG PAGIGING ALERTO AT KASIGLAHAN  AT TUNAY NA NABABAKAS;

HALOS SA BILIS AY MAKISIG NA KUMAKARIPAS PA,

PATI SA MARTIAL ARTS BANTOG SILA PONG TALAGA!

KAYA SA PAGKAIN AT MGA INUMIN,

IWASAN ANG MATAMIS AT MARAMING ASIN;

PATI CHOLESTEROL SA TABA’Y DAPAT  AYAWAN,

LEKAT, RAYUMA AT GOUT ANG SIGURADONG DADATNAN!

ANG AMA KONG NOBENTA’Y KUATRO ANYOS,

MARAHIL DAHIL SIYA AY MAKADIYOS;

NAGLALARO PA TUWINA NG BADMINTON,

MULA NOONG SIYA’Y KUWARENTA ANG TAON!

ANG HINDI NAHIRATI SA SPORTS NG MAIMIS,

MADALING TUMANDA AT KUMUNOT ANG EPIDERMIS;

KASI NGA’Y WALANG PAGKAKATAONG MAGPALABAS NG ENDORPHIN,

KAYA’T PALAGI YATANG MASAKIT ANG NGIPIN.

MAHILIG SI DAD MAX SA BANANA, YAN AY SAGING!

HINAHANAP SA HAPAG KAINAN, “ALWAYS” AT TUWING

KUNG SIYA’Y LALAGOK O LALAMON, INUMIN O PAGKAIN!

KAPAG WALANG SAGING KAGYAT NA SIYA’Y, HIRAP NANG ISPELENGIN!

SI DAD MAX AY MERON DIN SYANG MENTAL NA EHERSISYO!

CHESS AT MAHJONG, TUWING LINGGO AKO’Y MIRON DOON, DITO!

KASI NAMAN AKO LAMANG SA ANGKAN NAMI’Y DI NATUTO,

NAPALO KASI, NUNG AKO’Y PASLIT, DAHIL SA CARA Y CRUZ* AY  USO!

PERO ANG MAHALAGANG PAYO NI TATAY SIMO,

PALAGI DAW NA MAGING TODONG KONEKTADO

SA FACEBOOK, LINKEDIN O TWITTER

DA BEST.. KAY LORD  DAPAT TAYO’Y TUWINANG “TETHERED”!

[* Cara y cruz (derived from Spanish words CARA which means FACE and CRUZ which means CROSS) is actually the equivalent of the HEADS and TAILS game where play is done by tossing TWO (2) coins into the air. During my early teens, I was caught by Daddy Max as he passed by the street (as he was coming home from his Camp Aguinaldo office) where we lived in Murphy tossing coins in a HEADS & TAIL game. I lied when I was confronted after I reached home. I got about a hundred whacks (using a thick leather belt) from Daddy Max, until my fanny turned black and blue. More would have struck my buttocks except that Mommy Norma came to my rescue. I vowed then not to engage in any type of gambling theretofore. Thus, I never learned to play MAHJONG.]

Leave a Reply