FUN RHYME BLOGS SERIES NO. 2- (TAGALOG VERSION) SWS – DUTERTE, EXCELLENTE

du30-trust-rating-excellent

[Ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay ginawaran ng SWS ng gradong EXCELLENT bilang siyang TRUST RATING batay sa nakaraang survey. Ito ay isang makabuluhang pagkakataon upang maipaabot sa pang-daigdigang sambayanan na ang Pangulong Duterte ay hindi dapat na walang-habas na tuligsain kaugnay sa kanyang kampanya laban sa DROGA. Katulad ng ipinamalas ng bansang TSINA, imbes na manuligsa ay naibaling ng TSINA ang pag-gawa ng isang POSITIBONG reaksyon sa pamamagitan ng pag-aalay ng tulong-pinansyal upang makapag-patayo ng malaking DRUG REHAB CENTER sa ating bansa. Sa totoo lang, mas makakatulong sa ngalan ng adbokasyang pag-suporta sa mithiing HUMAN RIGHTS, kung ang mga mauunlad na bansa ay ibabaling din ang pagtulong sa pamamagitan ng donasyon tungo sa pagpapatayo ng mga DRUG REHAB CENTERs sa buong kapuluan.]

 

Gawad ng SWS ang GRADONG EXCELLENTE;

Sa IDOL nating si Presidente DUTERTE!

Ukol ito sa laban sa pasugpo sa DROGA,

Maraming namangha pero, dami ding galit pa…

Ang igan kong si JC, tiyak mag-aalboroto;

 Hanggang ngayon si ROXAS pa din ang kanyang BOTO!

And brod kong si GB sasakit na naman ang ULO,

Bakit daw ang mga PINOY bilib pa rin sa Pangulo…

Ang sabi ni JC, si DU30, dyatan na’t may sakit;

Sabi ko naman; tenga nya; ang laki, hanggang langit;

  Ang frat brod kong si GB, napikon sa aki’t napundi…

Wala daw akong MORALITY!

Subalit sila ay napakalayo;

Nag lala-miyerda pa nga sa LAS VEGAS-NEVADA!

Sana sa kanilang pagbabalik sa Pinas

Mapapansin nila ang nagawang LUNAS!

Lahat ng PINOY dapat nang mag-alay;

Upang sa DROGA ay wala nang mamamatay!

Kahit kunting abuloy, dolyar o piso man lang

Para makapagpatayo ng daming REHAB-kulungan!

 

Mga DRUG LORDS sa bayan natin!

Darami at lalakas na parang salot din,

Lilingkisin parang sawa, ekonomiya ng bansang dinggin!

 Tayong lahat mistulang, magiging karimarimarim!

  Si JC at GB ay naging halos  AMERKANO na;

 Kahit na sabihing pa’y ilong nila’y PANGO pa rin pala!

Uusal-usalin mga paninita ni OBAMA

At pilit ipaaalalang, Pinas — little brown brother pa!!!

 

Mabooheey JC at GB!!!!

 

2 thoughts on “FUN RHYME BLOGS SERIES NO. 2- (TAGALOG VERSION) SWS – DUTERTE, EXCELLENTE

  1. Sana nga ay maging matagumpay ang D30 drug crusade. Subalit aking alinlangan na ito’y mangyayari sa simpleng dahilan na ang D30 ay nagsusumamo na bigyan tulong ang Bayang Pinas Ng dili’t iba kundi ang mismong Drug Lord na bansa … ang Tsina

    Like

  2. Hindi po naman GOVERNMENT ENTERPRISE yong pagpapadala ng DROGA dito sa Pinas from China…PRIVATE ENTERPRISE po naman yon….Patuloy po tayong manalangin sa tagumpay ng KRUSADA ng ating Pangulo dahil ang mabibiyayaan po ay ang ating BANSA sampu ng ating mga anagk at mga apo….

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s