FUN RHYME BLOGS SERIES NO. 1 – DU30’s 100 (TAGALOG VERSION)

 

duterte-100-tagalog

[Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sumapit na sa ika-sangdaang araw ng kanyang panunungkulan bilang PUNO ng ating bansang Pilipinas. Bagamat ginawaran siya ng mataas na grado batay sa pananaliksik, pag-susuri at pag-tasa ng SWS, na 76 na porsiyentong “approval rating” (at 84 na porsiyentong “approval rating” sa kanyang programa ukol sa pagsugpo sa DROGA); minarapat niyang bigyan ang sarili ng GRADONG “6” imbes na “10” na syang pinakamataas na antas. Ayon sa kanyang talumpating inihayag niya kahapon (ika-7 ng Oktubre 2016) sa Lungsod ng Davao; ang kanyang hinanakit sa Estados Unidos ay dahil sa paninita nito sa kanyang programang inilunsad sa pagsugpo ng SALOT na DROGA na kakaiba sa reaksyon ng TSINA na boluntaryong nagpatayo ng malaking gusali sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija na magsisilbi bilang DRUG REHABILITATION CENTER.]

     Si Pangulong Duterte’y naka-sangdaan NA;

         Nagtala ng record na tunay na KAKAIBA,

         Mga DRUG LORDS nakalampag at nayari PA,

          Uy… pati  INTERNET natin, BUMILIS NA!

              Bagamat nakakuha ng 76 per CENT!

          Nag-babang loob pa din, si Digong  NATIN;

           Binigyan sarili, gradong SAIS, dapat TEN;

               Ganyan si Rodrigo, hindi over-ACTING!.

           

    Estados Unidos at EU’y nang-asar at nang-ULOT;

                    Sinita’t pinuna , pagpuksa ng DRUG MENACE, abaw UTOT —

Akala mo’y pulis, di naman MATULIS;

           Buti pa ang TSINA; nagtayo ng EDIFICE!

Isang rehab center tinayo ng TSINA!

       Sa malayong lugar, dun sa Nueva ECIJA,

               Ganyan dapat ang Kano, kung tunay na AMIGO!

                    Hindi ganun na parang, sila pa ang NANGGUGULO!

Pagkakaroon ng DISIPLINA ang LAYON;

Upang ang bansa umunlad, UMAYON!

Sa mithiing maging tunay na MALAYA,

                 Pakay na na pangsarili, nating  lahat    IPAGPARAYA!

 Ang FOI na matagal nang MITHI…

Sang katerbang antay ang NAULI,

Pero ngayon, sa lagda ni Mayor DIGONG;

        Labas agad ang FOI, at animo’y DUMADAGUNDONG!

Kapayapaan ay malapit nang HUMAPON

Ang PULAHAN kaya’y natuwa’t naki-AYON,

          Sunod nama’y ang MORO, MUSLIM nating utol at KAMPON…

               Darating ang araw, laos na REBELYON!

 

 

Pati mga bagyo natutong KUMAMBYO;

                Batanes, bayan ni Abad, syang niratsada’t BINAYO!

            Natakot marahil sa DUTERTE POWER!

                  Di  na nanira sa Maynila, syang luklukan ng PODER!

                        

               Pero madaming nag-aantay; solusyon

                  sa TRAFFIC!

              Talagang marami na ang syang NAIINIP,

             Kaya si Sec. TUGADE, dapat  ay    UMAKSYON;

              Baka sya’y ma-itsa puera sa re-seleksyon/RE-ELEKSYON!

Leave a Reply